Ambush interview at Manila Polo Club

Q: Inaudible

BBM: Tinuturing ko silang lahat na magaling. At lahat naman sa aking pakiramdam alam ko naman na ang lahat ng kandidato ay seryosong kandidato kaya hindi ko sinasabi na may mas magaling sa isa’t-isa. At dapat naman ang tingin natin sa bawat katunggali ay seryosong kandidato. So, unang-una, mahirap mag puna pag nakatayo rito kung ano ba talaga ang nangyayari sa mga ibang kandidato sa sinabi nila. Kailangan ko panoorin yung broadcast dahil pag na sa taas ka iniisip mo lang ang sagot mo, hindi ko iniisip ang mga ibang sagot…

Q: Sir, mayroon po kayong notes, sir. Talagang pinaghandaan ninyo po itong debate, sir. Paano po kayo naghanda, sir?

BBM: Yung notes ko, kung maririnig mo ang aking talumpati, yun pa rin ang aking sinasabi at yun pa rin ang aking sinabi sa forum na ito. Yung paghahanda ginawa naming bago pa nagsimula ang kampanya. Ngunit, sa dinami-dami kong notes, hirap na hirap ako sa time limit kasi kung minsan, halimbawa, magtatanong tungkol sa agrikultura, mahirap ang agrikultura. Ang hirap sagutin sa one-and-a-half minutes at 30 seconds na follow up. Siguro, palagay ko pa rin na bukod pa sa forum na ito, ay ipaliwanag kung ano yung nasabi natin ditto sa forum na ito.

Q: Ibig sabihin po sir na na-pressure kayo sa time din?

BBM: Hindi naman sa na-pressure, kung hindi sa dami ng kailangan ipaliwanag, lalong-lalon na sa mga tanong sa mga komplikadong bagay ay mahirap talagang ipagkasya sa 90 seconds yung sagot na yun.

Q: Sir, in brief lang kasi Go Negosyo ito, about business, ano sir yung pinaka priority natin pinaka concrete natin para sa business?

BBM: To encourage MSMEs dahil nakikita natin that MSMEs provide 65% of employment. 99.6% of all businesses in the Philippines are MSMEs kaya nakita natin na kailangan paramihin hanggang makapasok ang foreign direct investments ay kailangan nating pagandahin ang sistema. Hindi lang pa utang, kundi pati training para sa mga MSMEs para maging mas madali ang pagpatayo ng MSMEs. Pangalawa doon ay yung bureaucracy. Kailangan nating i-streamline. Napakatagal. Halos 30 araw bago makakuha ng minimum 29 days para makakuha ng permit at makatayo ng negosyo. At ang laki ng capital ang kailangan. Dapat bigyan sila ng pagkakataon ng kahit na maliit na negosyo na hindi nangangailangan ng napakalaking kapitalisasyon. Iyang suporta ng gobyernong iyan ay dapat sa pamamagitan ng pa utang, training at para makita natin yung mga MSMEs ay dumami para mas malaki yung ating middle class maging mas matibay at stable ang ating lipunan.

Q: Pero sir, with regards doon sa performance niyo kanina, we can say na nasabi niyo ang lahat na…

BBM: No. By no means na ikumpleto ko dahil sa mga tanong sa komplikadong bagay at kaunti lang ang binigay sa amin na oras.

Q: Sir, sa SWS na lang, sir. Statistically tied po kayo ni Sen. Chiz, sir. May plans pa ba kayo or ano po ang masasabi niyo sa survey?

BBM: Yung mga survey, siyempre tinitingnan natin ang lahat diyan at pinag-aaralan, ngunit sa aking palagay, dapat ipagpatuloy lang ang aking naging kampanya; ipagpatuloy lang ang mensahe ng pagkakaisa at sa pagbibigay ng solusyon, detalyadong solusyon sa mga problemang hinaharap ng taumbayan.

Q: Leni was particularly focused on you…

BBM: She’s just following the party line so it was not a surprise.

Q: How are you sizing up the competition?

BBM: We don’t know. I’ll have to watch it. It’s very hard to tell, it’s very hard to determine exactly who got the message across best. We’ll have to watch the actual broadcast.

Q: You have basically the same platform on several issues. So, how do you distinguish yourself from the pack?

BBM: I would say they are more economic oriented towards the economy and towards social changes and towards social assistance. These are the issues that are paramount in people’s minds. That’s what I felt we should focus on. And again, I believe that the difference is I have a more complete program of government, a program of government that is a long experience in local government and in national government. And that is what I believe is the difference between me and the other candidates.

Q: Inaudible

BBM: Dahil napakahirap naman kung ang pangalawang pangulo at yung pangulo ay hindi magkasundo at kailangan naman natin pag-isipan ngunit ipagsantabi natin muna ang kulay ng pulitika at balikan ang pag-iisip na tayo ay sumumpa bilang lingkod-bayan na gagawin ang lahat ng sakripisyo para makahanap ng paraan para unahin sa lahat ang kapakanan nila. Kaya sinasabi ko ang pagkakaisa ang kailangan kaya siguro ang unang halimbawa ay bilang bise presidente ay lalapit, tutulong at susuporta (sa pangulo).

Q: Sir, ano po ang masasabi niyo kasi tumataas na si Cong. Leni. Sinasabi po niya na kayong dalawa ang maglalaban sa huli, sir.

BBM: Well, maaaring mangyari yun. Alam mo ang dalawang buwan sa larangan ng pulitika sa Pilipinas ay matagal-tagal iyan. Kaya lahat naman sa kanila ay palagay ko seryosong kandidato. Hindi ko na masyadong iniisip kung ano yung lumalabas sa survey basta’t ipinagpapatuloy ko lamang ang aking pagbigkas ng mesahe ng pagkakaisa.

Back to Blog