Ambush interview at Cavite

Q: Consultation iyun. Hindi niyo pa kami sinasagot ng diretso noon kung anong position iyung tatakbuhin niyo. Then ito ngayon, vice-president.

SBBM: Tinitignan ko iyung political situation. Magulo itong eleksyon. Ibang klaseng eleskyon ito. Hindi ito kagaya noong dati. Kaya’t sabi ko siguro ang tama para sa akin ay tumakbo… Hindi ko masyadong tansya kung ano iyung… Iniisip ko lahat ng kailangan gawin para tumakbo ng… Sa palagay ko mas maliwanag.

Q: Inaudible

SBBM: May pag-asa manalo, may pag-asa makapasok ng… Tinitignan kung sino iyung mg potential candidates, ngayon mukhang tama naman ang aking naging desisyon. Maganda naman ang mga nagiging reaction ng tao.

Q: Sino iyung kinoconsider niyong closest?

SBBM: Lahat sila. Lahat iyan magkakampanya ng husto. Gagawin ang lahat para manalo. Wala akong sinasabing mahina. Lahat sila magaling. Kilala ko naman silang lahat. Puro marurunong iyan. Kailangan talaga mag-ikot at makipag-ugnay sa tao para programa para sa tunay na pangangailangan.

Q: Wala kayong kinoconsider na isang malakas o isang mahina?

SBBM: Well kung titignan mo sa survey. Pero sa survey naman, marami pang mangyayari. Ano ba ngayon? Disyembre? Marami pang puede mangyari. Kailangan patuloy lang ang pag-ikot.

Q: Sa survey, in 5 days, number 1 kayo. Kasi iyung sa Bicol, apat silang naglalaban. Anong masasabi niyo po doon?

SBBM: Siguro hindi ko masasabi na plano. Karamihan ng mga kandidato sa bise ay mga Bicolano. Pero iyun nagkataon, at ako naman nanggaling mag-isa sa Norte. Ako’y nanggaling sa region 8. So palagay ko magandang pag-asa. Kaya naman nakikita ko na pagka umiikot ako maganda naman ang response sa akin ng tao. Maganda ang response naman sa akin ng mga lider. Kaya palagay ko maging maganda ang pag-organize. Maganda ang pag-ikot. Palagay ko baka maging matagumpay ang kampanya.

Q: Kasi po iyung mga kabataan, nandoon tayo sa Lyceum noon. Kinover din namin. Iyung mga students, nakita niyo naman, halos iyung mga estudyante, karamihan dito..

SBBM: Mabuti iyun dahil syempre marami kasi akong ginagawa. Marami akong tuloy-tuloy na itinutulak na para sa kabataan. Kagaya ng sinabi ko noon sa Lyceum, mahalaga para sa akin. Kailangan bigyan natin ng pansin ang mga kabataan. Marami tayong pangangailangan. Pagkadating nga ng panahon, iyung mga bata, sila ang uupo dito sa mga posisyon natin. Ngayon, dahil din sa nakakaabala dahil tinitignan nga natin sa mga isyu ngayon. Ang pinakamalaking isyu ngayon ay droga- iyung iligal na droga. Syempre ang binibiktima niyan ay ang mga kabataan. Kaya kailangan talaga natin pag-isipan ng mabuti kung ano ba talaga ang dapat gawin dahil iyan ang ating kinabukasan. Pagkasinira iyung buhay ng mga iyan ng mga drug lord o mga syndicate, sisirain din ang kinabukasan ng Pilipinas. Kaya’t kami ay nag-aalala. Iniisip namin ng mabuti.

Q: BBL? This year?

SBBM: Natitira na lang mamaya isang session. Tapos dalawa pa. So tatlo na lang na session sa Kongreso. Tapos mag rerecess na kami para sa Pasko. Kaya palagay ko hindi kakayanin dito sa taong ito. Iyung si Speaker Belmonte, sabi niya hindi siguro maiboboto itong taon na ito. Titignan natin kung anong magagawa natin dahil pagbalik sa Enero, palagay ko hindi na papasok iyung mga congressman dahil mangangampanya silang lahat.

Q: Saka halimbawa Sir, maging bise-presidente po kayo sir…

SBBBM: Oo nga. Kung matapos man iyung Kongresong ito, palagay ko. Hindi natin alam. Tignan natin pagdating ng oras. Hindi ko malalaman iyun hanggang magbotohan pa para sa Senate President. Pero ang proseso magsisimula ulit. So siguro baka umpisahan nila doon sa substitute bill na ginawa ko. Puede naman ituloy kung ano iyung nagawa noong nakaraang Kongreso. Pero gagwin ko sa…

Q: Kasi sinabi niyo Senator sa Perpetual Binan na BBL is dead.

SBBM: Yes it is. Iyung binigay sa amin na version, wala talagang pag-asa pumasa iyun. So gumawa ako ng substitute bill. Iyun ang ginawa naming.

Q: Substitute version. Tingin niyo po iyun ang… kung sakasakali.

SBBM: Sa palagay ko. Kaya na siguro. Pero syempre baka hindi pa tapos ang session. Dahil halimbawa ngayon, ang nagtatanong sa akin si Senator Enrile. Syempre alam naman natin magaling na abogado si Senator Enrile. Marami siya minsang mga tanong. Marami siyang detalye na gustong ipaliwanag. Hindi pa natin matitiyak na iyun na, iyung substitute bill, na iyun na ang magiging final version. Palagay ko may mga pagbabago ng kaunti pero karamihan siguro ng nailagay namin doon mukhang papasa na.

Q: Advantage ba iyun sainyo na ginawan niyo ng substitute bill iyung BBL? Sa inyong election bid.

SBBM: Hindi ko alam. Ang iniisip ko lang noong nabasa ko iyung original, ika ko maraming problema. Ayusin natin iyung problema. Imbis na pipintasan lang natin, bigyan mo ng kapalit. Kaya iyung BBl, ginawan namin ng kapalit na substitute bill. Depende sa tao iyun kung sang-ayon ang karamihan sa Bangsamoro Autonomous Region, mabuti. Dahil nakita naman natin siguro na mayroong mga probisyon doon na hindi constitutional. So iyun ang mga tinanggal namin. Pag nakita naman ng tao, makita nila iyung ating substitute, makikita nila kung ano man iyung mga problema na.

Q: Inaudible

SBBM: Well, kaya kasama doon sa prosesong kapayapaan ang tinatawag na disarmament. Imbis na isurrender lamang iyung mga baril, aking sinasabi, to put beyond use. Ibig sabihin, pag hindi na isusurrender, sirain mo iyung baril para hindi na magamit. Kasi iyung nasa original, isusurrender iyung baril at lalagay sa storage. May nakabantay na MILF, bakit pa? Baka mayroong mga loko diyan na gusto pasukin iyun at nanakawin iyun. Sirain na natin para hindi na magamit. Kasi sa ibang peace process sa ibang bansa, ganoon ang ginawa. Mukha namang tama at matagumpay iyung ganoong proseso.

Q: Doon sa presidential aspirants, medyo doon iyung medyo gibaan iyung credibility ng personality. Sa vice-presidential, tingin niyo hindi na masyado?

SBBM: Ewan ko. Siguro special ako dahil binibigyan ako ng pansin.

Q: Kasi pagdating doon sa pagiging vice-president, ano iyung masasabi ninyo parang edge mo? Kasi wala kayong kinoconsider na mahina. Pantay-pantay ang dating.

SBBM: Sa palagay ko dahil ang problema na hinaharap natin ay mga problemang dikit sa sikmura. Kaya’t ang kailangan ayusin ay iyung iba na aking naging kandidato pang-vice ay abogado. Mayroon akong training sa economics. Palagay ko iyun ang magagwan ko ng paraan iyung problema, lalong-lalo na sa ekonomiya.

Back to Blog