Ambush interview at Bayview Park Hotel

20151103_PAO_0018

Q: … Para mapigilan iyong laglag bala, iyong planting of bullet along the NAIA premises?

BBM: Well, maaari niyang gawin iyon at saka para magkaroon nga, at least around the NAIA premises. Pero bakit pa kailangan iyon? Kitang-kita naman natin na labag sa batas iyan. imbistigahan nila. Hulihin nila kung sinong gumagawa at ipakulong nila. Dahil anong klase iyong ginagawa nilang iyan? Ito nanaman tayo. Sinasabi natin na ang OFW ay ang mga bayani tapos ganyan ang ating ginagawa. Huwag na natin antayin. Wala ng kailangang baguhin. Wala na kailangang bagong batas. Wala ng kailangang bagong polisiya. Mali ang kanilang ginawa. Ito’y krimen. Dapat hulihin. Dapat ay kasuhan.

Q: Sir, patuloy pa rin kasi Sir.

BBM: Kaya nga nakakapagtaka bakit. Kahit na lumalabas na sa mga pahayagan, sa news, tuloy pa rin. Ibig sabihin, wala silang ginagawang pagbabago doon sa loob. Kaya naman maraming nagtatanong kung mayroon ba talagang ginagawa para matigil itong ganitong sistema na ginagawa nila.

Q: Ito na ba iyong tamang panahon para magresign iyong relative ni Pnoy na si Honrado?

BBM: Palagay ko. Dapat. Nakakahiya naman iyong nangyari under his watch. Under the principal of command responsibility, he is responsible.

Q: Senator, tungkol po doon sa sinasabi niyo na natitirang fund, noong Yolanda, ano po ba iyong lumabas sa research niyo tungkol dito?

BBM: Ayaw kaming sagutin ng DSWD kung saan napunta ang bilyon-bilyon. Ang pinag-uusapan natin bilyon-bilyon. Dahil mayroon tayong reports sa NDRRMC. I think 155 million lamang ang nagamit. Alam naman natin kung gaano kalaki ang binigay ng mga international funding at sa relief agencies. Kaya’t hanggang ngayon, nakikita natin, nandiyan pa iyong mga gamot, nabulok na nga. Iyong gamit, nabulok na. Nag-expire na iyong mga gamot. Bakit hindi pa narelease iyan? Anong inaantay nila? kaya’t hindi ko maintindihan kung bakit ganoon. November 8 is the second anniversary already of Yolanda. Out of the 150,000 homes that are needed to house those who have been homeless because of Yolanda, only 10,000 has been built. Less than 1%. Kaya’t siguro naman dapat mahiya-hiya naman sila. Pinaparusahan nila ang mga biktima ng Yolanda na nag-aantay ng tulong sa pamahalaan.

Q: Sir, may proposal si former National Treasurer Briones na isama, kung mayroon mang natitirang budget doon sa Yolanda, isama sa items sa 2016 budget. Ano po iyong comment niyo doon?

BBM: Dapat noon pa ginawa na iyan. Iyon lamang, hanggang ngayon ayaw ipaliwanag ng mga ahensiya ng pamahalaan kung saan napunta ang pondo. So, hindi natin mailalagay sa budget kung hindi natin alam kung ano iyong available na funding. Dahil sila ang tumanggap lahat. Iyong mga private donations na sila mismo ang dumiretso sa stricken areas sa Visayas, malaki na ang na-idownload na tulong. Pero iyong galing sa gobyerno, napakaliit pa lang.

Q: Sir, it’s very… na hindi maipaliwanag na possibleng magamit ito this coming election for the campaign period?

BBM: I guess so dahil nakikita naman natin. Marami talagang pondo ng gobyerno na ginagamit sa halalan.

Q: Kailangan pa ba nito Sir ng Senate inquiry para naman lumabas iyong katotohanan?

BBM: I would be in favour of that. I would be supportive of that. 2 years is too long. Masyado ng mahaba iyong dalawang taon na pinag-aantay iyong tao.

Q: You will… a solution on that matter?

BBM: Well, I would like to make a closer examination on the ground and see exactly what the situation is. Hindi naman natigil ang aming pag-inquire sa gobyerno, kung nasaan na iyong pondo. Hanggang ngayon nga, walang ibinibigay na sagot. Hindi ko alam kung bakit para sa kanila, okay iyon. Paano magiging okay iyon, bilyon-bilyon ang nawawala?

Q: Iyong issue about that, puedeng iraise sa budget deliberation iyon?

BBM: We have raised it in every single, kahit budget o kahit nga hindi budget, we have talked about it constantly. And again, somehow the government chooses not to give us any answers.

Q: Sir, ang BL BAR considering na mayroong 1 week holiday sa APEC na darating, positibo po ba tayo na maipapasa ito sa December?

BBM: I have never been positive na papasa iyan. Pero, we are going to return to it. Bukas nga, nakaplano na kami na ituloy ang interpellation. Tignan natin kung saan tayo umabot.

Q: Sir, President Aquino wants you to apologize during Martial Law. Hindi pa rin ba dapat sila mag-apologize? Iyong Mendiola Massacre, the killings in Hacienda, iyong mga missing na o nawala na mga farmers?

BBM: Well, that would be a futile attempt. And again, I think it is for all of us, the President, all the way down to the lowliest barangay tanod, those in government, and those out of government, to start thinking very hard about how we can move the country forward. Ang tao ang tinatanong sa atin, “Ano ang gagawin ninyo para ibaba ang presyo ng bilihin? Ano ang gagawin ninyo para mawala ang bawal na droga sa atin?” Kahit na even in the countryside ramdam na ramdam na. Ano iyong gagawin natin dahil kulang ang trabaho? Ano iyong gagawin natin dahil dumadami ang mahirap? Lahat ito ay nag-aantay sa atin ang tao ng sagot. Hanggang ngayon sa pamahalaan ay wala pa tayong naririnig.

Q: Thank you Sir.

BBM: Okay. Thank you.

Back to Blog