Ambush interview at Assumption College

Q: Sir may report na kumalas na raw sa coalition yung NP sa LP at bumuo ng alyansa sa PDP to support Duterte, can you confirm that sir?

A: We have been in talks about that for some time now. I will not preempt the party for any announcement that they will have to make. All that I am prepared to say right now is to say that we have been in talks not only with the PDP but also with the other parties and other groups, not necessarily formal parties.

Pero yung coalition sa LP was very informal and medyo hindi siguro palagay ko masasabi na, it was nevery really enforced properly kasi hung halalan ng 2013 yung mga kandidato ng Nacionalista nilagyan pa rin ng kalaban ng Liberal. So parang hindi talaga natuloy yung coalition in a very strict sense. All of the announcement that the Nacionalista Party will make, I will not preempt the party so I will let the party spokesman to make those announcements when the time is right.

Q: So pinag-uusapan na rin po ba sa party, sa NP, kung sino ang ita-tandem kay Duterte na syang pambato naman ng PDP, sa inyong dalawa ni Sen. Alan?

A: Lahat yan napapag-usapan. At syempre depende rin sa kung sino ang ia-adopt ng Nacionalista Party, kung sinong magiging kandidato namin para sa Pangulo sa 2016 ay lahat yan ay talagang espekulasyon pa lang. Kung tutuusin ninyo si Mayor Duterte not only hindi pa nagde-deklara panay ang sabi nya na hindi sya tumatakbo. So that’s where the situation is, medyo hindi pa nahihinog, medyo hilaw pa ang naging sitwasyon. I know that people are very very anxious and interested to know what in fact the decisions that are being made but we have not made those decisions. So we plead for your patience. But at the moment any of those important decisions are made we will of course be making it very clear to not only the media but lahat ng aming kaibigan in the public kung ano ang magiging role naming lahat sa 2016 elections.

Q: Pero sir up to now nasaan na po ba yung level ng pag-uusap? Malinaw na po ba?

A: At the highest levels; it’s always at the highest levels. Dahil ang nakikipag-usap, kami, kasi we are in the executive committee, ako ay nasa Executive Committee. Of course the president of the Nacionalista Party is still Sen. Manny Villlar. He has been conducting formal talks with different groups, with many groups. Whatever decision he makes, and whatever decision the party makes I think will be announced at the right time.

Q: Pero sir nai-set nyo na na September or bago mag-end ng September yung inyong decision?

A: No choice na yun e. Kailangan siguro September, mid-September, late September kailangan maliwanag na kung hindi baka maiwanan ka pagka hindi pa naging maliwanag ang role sa halalan.

Q: Sir nag-issue si President ng EO extending the life of the Bangsamoro Transition Commission. Do you think this is an indication na pwedeng hindi mapasa yung BBL within its term?

A: No, I don’t think so. Para sa akin that’s okay kung gusto nya i-extend ang Transition Commission, pero wala na silang trabaho, actually dahil sila ang kasama sa pagsulat ng draft BBL. Ngayon the ball is in the legislators’ court. So, that’s okay. For me it makes no difference one way or the other, we just don’t know what the work the Transition Commission will have to do now. Dahil noon tinutulungan kami sa lehislatura tungkol nga maipaliwanag yung mga bagay-bagay sa BBL na sila ang sumulat. Ngayon ay iba na ang version na tinitingnan ng both the House saka Senado. Siguro bibigyan pa sila ng trabaho but right now, when it comes to the Basic Law on Bangsamoro nasa legislature.

Q: Pero sir nakikita nyo na before the end of the filing of COC ay mapapasa na yung BBL?

A: Alam mo napakahirap. In all candor, akala ko by this time tapos na sa House. Pero mukhang hindi e kaya hindi ko masasabi talaga. Ang kaya ko lang sabihin ay pareho pa rin: kung ang interpellation sa Senado ay ganito, at the same rate that it is going now, and assuming—and it is a big assumption—that the amendments period will also go fairly smoothly, baka matapos nga kami by October. But again this is all speculation. We do not know; for all you know one senator will stand up and take two weeks, so it’s hard to predict.

Q: So kung magkaganun sir ang composition ng ARMM ngayong filing ng COC ay yung same composition pa rin ng ARMM?

A: Kung wala pang basic law for Bangsamoro wala pa, magpa-file sila as ARMM assemblyman and officials. Pero sa ngayon kaya nga namin inilagay sa batas, sa basic law, na kahit na mapasa sa gitna ng termino nung mga ARMM assemblyman kasama ngayon sila sa transition authority, para yung may mandate ng Constitution—tatlong taon ang kanilang term. So para matuloy ang kanilang term they can be part of the Transition Authority.

Q: So sila na po yung lalabas na BTA?

A: Hindi lang sila, pero kasama sila. The others will be appointed by the President.

Q: Sir yung BTA kailan po magtatapos ang term noon? At kailan ilalagay natin yung mga elected officials?

A: Ang BTA matatapos ang term nila kapag sa kanilang palagay nagawa na nila lahat ng trabaho nila—ibig sabihin yung pag-set up at yung framework ng pamahalaan ay natapos na nila. Ibig sabihin, anong mga agency ang ilalagay, ilan ang tauhan, anong functions, lahat, all of these things. What will it be called? How will it be organized, will there be a similar ano sa executive saka sa legislature, what will be the relationship? All of those will have to be defined by the BTA. So that’s their work—kaya nga namin sinasabi kung bibigyan mo sila ng anim na buwan lang o isang taon lang, parang kulang dahil andami nilang gagawing trabaho.

Q: So magagawa kaya sir yun bago nga dumating yung 2019 elections para dun na isabay yung mga elected officials ng Bangsamoro?

A: Kung ang pinag-uusapan ay 2019 palagay ko kakayanin. Kakayanin na matapos ng transition authority ang trabaho nila by 2019 dahil kahit papano tatlong taon din yun—that should be sufficient.

Q: So yun na po yung first election for the Bangsamoro officials?

A: Well, first regular election. Kaya nakalagay,kung titingnan ninyo sa Basic Law, nakalagay the first regular election will be 2019 dahil hindi namin malaman yung unang election para sa Bangsamoro parliament.

Q: Sir yun pong schedule ng Bangsamoro, yung pagta-tackle sa plenary di po ba maapektuhan kung sakaling mag-declare na kayo sa October o yung ibang mga senators, yung schedule ng BBL sa plenary?

A: Well, malamang. Siguro naman, dahil kung kandidato ka na , mangangampanya ka na. So that will take time away from the legislative process. Marami sa mga senador ang magiging kandidato. Lahat ng congressman kandidato. Kasi napalapit na talaga tayo sa kampanya saka sa eleksyon e, parang imposible na hindi maapektuhan ang trabaho ng legislature. Alam naman natin pagka-eleksyon wala talaga, hindi kami makapag-session dahil walang quorum sa House. Kung walang quorum sa House, kung walang shedule sa House dahil kandidato nga lahat, hindi kami makapag-schedule ng session. Kailangan sabay lagi yan e, so maaapektuhan siguro.

Q: Me report na meron daw syang (DOJ Sec. De Lima) na-violate na protocol in handling the case?

A: Kadalasan pagka may complaint ipa-file sa fiscal, ipapaimbestiga sa fiscal. Tapos kung ano yung findings ipo-forward sa DOJ, tapos they will file the case in court. Pero iba ang nangyari dito, kinuha kaagad ni Sec. De Lima, nag-presscon kaagad na ganun ang gagawin nya kaya’t medyo naiba, parang pinabilisan ang proseso, siguro yan ang iniobject-kan ng Iglesia. Sana nasunod yung pangakaraniwan na kaso kasi dahil dun ay parang sinasabi ng iba parang napasukan ng politika. And that’s why I think one of the reasons na nagkaroon ng malaking mass rally, mass demonstration na ginawa ng Iglesia. So sana naman ay…para pantay-pantay lang lahat, wag namang binibigyan ng partikular na atensyon o binibilisan yung pag-imbestiga at saka pagpila ng kaso dahil ang pakiramdam nga ng Iglesia ay sila’y pini-persecute because of that change in the process. So sana dinaan na lang sa pangkaraniwang proseso, hindi minadali.

Q: Pero sir hindi ba nakaka-alarma itong ganitong aksyon ni De Lima, na parang sya ang masusunod, kumbaga kung may ginusto syang kaso bibigyan nya ng kakaibang atensyon?

A: Especially pagka ang pakiramdam ay dahil sa political concerns, hindi dahil sa legal concerns. Basta’t napunta sa legal concerns ay hindi na siguro tama yun dahil the legal processes in the country dapat naman hindi nasusunod lang dahil sa kulay ng sa politika. So that I think is where the problem lies.

Back to Blog