Ambush intervew at University of Perpetual Help System DALTA

Q: Sir, ano yung mga bago dun sa substitute bill niyo?

Sen. Bongbong: Ang talagang inuna namin syempre yung pinakamalalaking problema, yung constitutionality. Kaya’t yun ang tinutukan kaagad namin para ayusin yung ibat ibang provision na sinasabi ngang unconstitutional. Pangalawa, ang malaking remedyo ay yung sa inclusiveness, yung pagkukunsulta sa lahat ng stake holders. Hindi nagawa ito ng OPAPP, hindi nagawa ng negotiating panel dahil sila ang kinausap lamang nila ay MILF. Kaya’t isinama-sama namin lahat doon …pati mga IP, pati mga Kristiyano, pati Lumad, lahat ay kinunsulta namin kaya nasama namin doon sa substitute bill ang mga isyu na inilabas nila. Pangatlo, pinatibay namin yung proseso ng decommissioning dahil nga sa aking paniniwala na simpleng simpleng prinsipyo lamang: kung walang baril, kung walang armas, walang giyera. Kaya’t ginawa naming mas mabilis ang proseso ng pag-disarma at pinatibay namin, pinalakas namin ang mga kakayahan at kailangang trabaho ng international decommissioning body. Marami syempreng mga importanteng detalye pero yun sa palagay ko yun ang pinaka-importanteng nakasama doon sa substitute bill.

Q: Sir mga ilang series pa itong gaganapin ninyo para mas lalong maintindihan ng mga estudyante?

Sen. Bongbong: Marami akong natatanggap na mga imbitasyon, so basta’t sila’y interesado ay willing talaga akong lumabas, pumunta at makipag-usap hindi lamang sa mga estudyante kundi sa lahat ng interesado dahil napaka-importante na maunawaan hindi lamang ng mga taga-Mindanao kundi ng lahat ng sambayanan.

Q: Bukod sa mga eskwelahan ano-anong sektor pa yung mga nag-iimbita para maliwanagan sila rito?

Sen. Bongbong: Marami, mga business sector. Nung lumabas na yung substitute bill gusto nila na maimbita ako para ipaliwanag ko lalong lalo na yung mga grupo na tumututol doon sa original na BBL. Sinasabi nila ipaliwanag ninyo kung papaano naging maganda na o naging maayos na ang substitute bill? So, sari-sari din, may mga estudyante, may mga professional group, syempre yung mga abogado na mga interesado, so maraming ibat-ibang grupo.

Q: Sir sa mga businessman, anong naging concern nila, particularly yung nga nagne-negosyo doon sa Mindanao?

Sen. Bongbong: Halimbawa, yung tungkol sa Bangsamoro Waters, sinasabi nila pag nasa ilalim na sa administrasyon ng Bangsamoro waters yung kanilang pangisdaan ay papaano na ang kanilang negosyo? Kaya’t hindi na namin kinilala ang Bangsamoro waters, ang inland waters ginawa na lang namin municipal waters para hindi na magbabago ang sistema. I think medyo nasagot na namin yung kanilang pangamba na mawawala sila sa kanilang fishing ground.

Q: Sir the LP version …..

Sen. Bongbong: The LP version was the one that was forced upon the congressmen. So it will be up to the House of Representatives what they do with it. Senators, hanggang sa version lang namin….

Q: Sir kahapon nag-umpisa na ang interpellation, so based dun nakita nyo ba ang pacing kung gaano kabilis, kung gaano katagal, based doon sa kahapon….?

Sen. Bongbong: Well, ang unang nagtanong si Sen. Pia pero hindi pa sya tapos. So, meron ding mga tanong si Sen. Recto pero ganun din hindi pa sya tapos, hindi pa detalyado. Alam ko detalyado ang mga gustong itanong at mauunawaan mo rin dahil marami ring trabaho lahat at mahaba-haba at medyo kumplikado yung substitute bill kaya’t dapat bigyan ng sapat na panahon para mapag-aralan para naman maging makabuluhan yung aming usapan.

Q: Sir, nagkausap na ba kayo ni Sen. Enrile, considering na sinasabi nya pinag-aaralan nya, binabasa nya yung substitute bill?

Sen. Bongbong: Hindi pa. Pero very quickly, napag-usapan. Sabi ko lang sa kanya I’m counting on your legal acumen and expertise to help us go through this process.

Q: Pero sinabi ba nya sir mag-iinterpellate sya dito?

Sen. Bongbong: Di naman nya nabanggit pero I’m assuming mag-iinterpellate sya dahil nga nung naka-detain daw sya yan ang pinag-aaralan nya kaya’t sigurado maraming tanong yan at maraming amendment ang gusto nyang idala sa floor?

Q: Kumusta po ang panliligaw sa inyo ni Vice President Binay?

Sen. Bongbong: Wala namang nanliligaw. Ang proseso hindi panliligaw. Ang proseso ay ang tuloy-tuloy na pag-uugnay, pag-uusap, pagpa-plano kung ano yung mangyayari sa 2016.

Q: Anong possibility po na magiging running mate kayo?

Sen. Bongbong: Everything is possible. Ito ay politika, wala kayong sinasabi na impossible dito. Wala pang definite na desisyon pero kagaya ng sabi ko ay we do not discount anything. Ang lagi kong paulit-ulit na sinasabi ay never say never. So you’ll never know kung anong mangyayari pagdating ng October sa pag-file at kung anong mangyayari sa 2016.

Q: Sir may napabalita na isa kayo sa kino-consider dun sa alleged na Poe-Chiz na tandem as a senatorial candidate, anong masasabi nyo sir?

Sen. Bongbong: Well, sa ngayon all we are talking about is higher office; we have not been discussing re-election to the Senate.

Q: Sir we heard na you were about to declare your political plans on September 9 sa Philippine Arena, confirmed na yun sir?

Sen. Bongbong: No. I can guarantee you, I will not be making any announcement on September 9—that’s the one thing I can guarantee. Di ko alam kung saan galing. Andaming nangyayaring ganun, magdedeklara ako ng September 20, me lalabas September 10, pero wala pang ganun. Kung hindi nanggaling sa akin ang pag-deklara ay palagay ko wag nyo munang pagkatiwalaan.

Q: Sir lumutang yung pangalan ni Sen. Cayetano bilang candidate….?

Sen. Bongbong: Marami. Kagaya ng sabi ko lahat ng possibility pinag-aaralan e. Alam nyo pagka pinagsama-sama nyo ang mga pulitiko sa isang kwarto wala kaming ginawa kundi mag-scenario building: ano kaya kung si ganito, ano kaya kung ganyan—all of that is being pinag-aaralan at pinag-uusapan.

Q: Sir your view about ..yung kumambyo yung Palasyo….?

Sen. Bongbong: Ako naman ay nagpapasalamat na tinigil nila yung kanilang sinasabi na bubuksan yung mga ….Dahil talagang nakaaawa naman ang ating mga OFW, nagsasakripisyo na sila, humihiwala sila sa kanilang bansa, sa kanilang pamilya, sa kanilang mga kaibigan, sa kanilang mahal sa buhay upang magkaroon lamang ng hanap-buhay na hindi nila mahanap dito sa Pilipinas. Tapos yung konting kunswelo nila na magpadala ng mga regalo sa kanilang mga mahal sa buhay, pati ba naman yan ay iipit-ipitin, haharassin ng Bureau of Customs. Kung gusto nilang pagandahin ang kanilang koleksyon unahin nila yung mga sindikato, yung mga nagtatrabaho mismo sa Bureau of Customs. E kung me nawawala libo-libo na containers winawala nila e. Tapos ang pupuntahan nila yung mga balikbayan boxes. Kalokohan naman yun. Hindi naman balansyado ang kanilang ……

Q: Ano raw ang silbi ng x-ray saka canine kung gagawin daw yun?

Sen. Bongbong: E ang laki-laki ng ibinigay namin sa Bureau of Customs para dyan pero ayaw nilang gamitin kailangan daw buksan. Hindi ko nga maintindihan. Mabuti na lang natigil.

Q: Sir anong factor kaya ang nagtulak at nabago ito?

Sen. Bongbong: Biruin mo, siguro naman natauhan din sila ano? Sino bang suportado dito sa move ng Bureau of Customs. Lahat tayong Pilipino may kilala, may kamag-anak, may kaibigan na nagtatrabaho abroad. Sino sa kanila ang magsasabi na dapat iyan ang apihin ninyo? E gaano kalaki ang makukuha nila dyan? Kayo lahat nakakita na kayo ng balikbayan box, nung nakita nyo ang balikbayan…me nakita ba kayong smuggled goods doon? Anong laman nun? Laman nun shampoo, damit, chocolate, laruan, yung bagong sneakers? Ano ba naman yun? Pati ba naman yun e aapihin ninyo?

Q: Sir, sang-ayon kayo sa proposal na itaas yung limit?

Sen. Bongbong: Oo, dahil yung $500 matagal na yun. In fact pag-aaralan ko, I told my staff na tingnan, i-index kung kelan ginawa yung $500 ano yung valor nun ngayon? Yun ang dapat nating gawing limit.

Back to Blog