ABS-CBN News – ‘Hybrid elections’ sa 2022, posibleng maapektuhan ng COVID-19 pandemic: Comelec

By ABS-CBN News

MAYNILA – Aminado ang Commission on Elections nitong Miyerkoles na posibleng maapektuhan ang kanilang paghahanda para sa susunod na national elections sa 2022 dahil sa krisis na dala ng COVID-19 pandemic.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Participation, natanong ni Sen. Imee Marcos, chairman ng komite, kung naglaan na ba ng pondo ang Comelec para sa isinusulong ng hybrid elections.

Paliwanag ni Comelec commissioner Marlon Casquejo, nagsumite na sila ng budget sa Department of Budget and Management para sa mga bagong equipment na aabot sa P24 billion.

Hindi pa umano kasama dito ang pondo para sa projector at bar code sa bawat clustered precinct na aabot sa P2.5 billion.

Sa hybrid elections, isinusulong na magkaroon ang bawat presinto ng projector para sa transparency lalo na sa transmission ng boto.–Ulat ni Robert Mano, ABS-CBN News

Back to Blog