Abante Tonite – Solons: Tobacco farmers sapul sa Sin Tax bill

By Dindo Matining | Abante Tonite

abante_toniteNaniniwala sina Senate President Juan Ponce Enrile at Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na hindi makakabawas sa konsumo ng sigarilyo at makakaapekto naman sa kabuhayan ng tobacco farmers kapag naapruba­han ang Sin Tax bill.

Ayon kay Enrile, siya nga raw na nagsimulang magsigarilyo sa edad na siyam at tumigil noong 65-anyos na ay hindi nakakuha ng anumang sakit dahil sa paggamit nito.

“In rural areas, where I grew up, I hardly know anybody who died of cancer and we have tobacco everywhere in Cagayan,” ani Enrile.

“Rural areas like in his province Cagayan, farmers and fishermen smoke but he does not know of anyone who died of cancer. They died of old age,” dagdag pa nito.

Para naman kay Marcos, malaking pahirap umano sa mga tobacco farmers lalo sa Caga­yan at Ilocos Regions ang nasabing dagdag-buwis sa produktong tabako.

“Let’s see it first since it will affect tobacco farmers. Besides, we should study the taxation scheme to be implemented. Bakit hindi pantay-pantay ang taxation on tobacco and alcohol,” giit ni Marcos.

Sinabi rin ni Enrile na malaki ang epekto ng sin tax sa tobacco industry lalo ang mga magsasakang na­ging kabuhayan na ang pagtatanim nito.

“Kawawa naman ‘yung aming mga tobacco farmers. During summertime that’s their source of income. Nagtatanim sila ng tobacco,” ani Enrile.

“Mawawalan, mababawasan income nila. ‘Yun lang pinanggagalingan ng income nila, cash crop nila ‘yung tobacco eh,” dagdag pa ni Enrile.

Kung maipapasa ani­ya ang sin tax sa Senado, dapat umanong pantay ang buwis na ipapataw sa produktong tabako at alkohol.

“Pare-pareho lang dapat ang treatment eh, hindi ‘yung may papaboran pagkatapos eh ‘yung mga iba pahihirapan. Hindi ako papayag n’yan,” ayon kay Enrile.

Back to Blog