Abante Tonite – Cigarette smuggling lalala sa mataas na sin tax

By Dindo Matining | Abante Tonite

abante_toniteTataas umano ang insidente ng cigarette smuggling tulad ng nangyayari sa bansang Malaysia, Brunei at New York sa oras na ipatupad ang mataas na excise tax sa sigarilyo.

“If we are going to increases taxes, there will be a greater motivation for certain quarters to start smuggling cigarettes and this will cause all kinds of problems,” pahayag ni Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa kanyang interpelasyon sa sin tax sa Senado.

Bukod pa riyan, sinabi ni Marcos na magkakaroon din ng ‘stagnant number’ ng smoking incidents at mababang revenue collection.

“I am a great believer of empirical data. If empirical data is available I think it is more believable,” ani Marcos.

Sa naranasan ng Malaysia, kung saan nagkaroon ng tax increase mula 2001 hanggang 2009 nang mahigit sa 365% na nagresulta sa 150% naman ng insidente ng illicit trade o smuggling.

“Cigarette smokers will not stop smoking, they will just find a way to buy cheaper tobacco and smugglers will be more than willing to provide the cheaper cigarettes,” wika pa ng senador.

Ganito rin umano ang nangyari sa Brunei kung saan tumaas ng 80.4% ang insidente ng cigarette smuggling.

Sa New York, umabot sa 495% ang dagdag na excise tax sa sigarilyo, tumaas naman ng 45% ang mga illegal cigarettes.
“There is no way the Philippines can do any better. New York City is way more sophisticated than the Philippines,” ayon pa kay Marcos.

Back to Blog