Abante Tonite – AMLA lusot na sa Senado

By Dindo Matining | Abante Tonite

abante_toniteSa botong 15-0, ipinasa na kagabi sa Senado sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang pag-amyenda sa Anti-Money Laundering Act (AMLA).

Isa sa mga amendments ng Senate Bill 32 13 ay ang probisyon na nagre-require sa mga casino na i-report sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang mga pinaghihinalaang “money launderers”.

“There is also a provision including pawnshops or jewelry stores as to the threshold of the amount of precious metals and stones to be reported to AMLC,” ayon kay Sen. Teofisto Guingona, sponsor ng naturang panukala.

Nauna nang sinertipikahan bilang urgent ni Pa­ngulong Benigno Aquino III ang naturang panukala kaya agad itong naipasa sa second reading.

Kung hindi maisasabatas ang naturang panukala, malalagay sa blacklist ng Financial Action Task Force ang Pilipinas.

Bukas nakatakda ang bicameral conference committee para pag-isahin ang House at Senate version ng nasabing panukala. Nakatakda ang bicam dakong ala-una ng hapon ngayong araw.

Ang Senate panel ay binubuo nina Guingona, Sens. Serge Osmeña III, Francis Pangilinan, Franklin Drilon, Joker Arroyo, Ferdinand Marcos at Antonio Trillanes IV.

Back to Blog