Abante – SK elections, kinansela

By Dindo Matining | Abante

Abante-onlineNiratipikahan na kahapon ang panukalang pagpapaliban sa halalan ng Sangguniang Kabataan (SK) na nakatakda sana sa Oktubre 28.

Ito’y matapos na magkaroon ng “unanimous” votes ang mga senador sa pagboto sa congressional bicameral conference committee na isinagawa kahapon ng umaga.

“With all members presents, the bicameral conference committee report is hereby approved,” pahayag ni Senate President Franklin Drilon.

Tanging si Senador Francis Escudero III ang hindi pumabor sa panukala habang si Senate majority leader Alan Peter Cayetano ay nag-abstain.

Ngayong napagtibay na ang pagpapaliban ng SK elections, sinabi ni Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ipapadala na ito sa Malacañang para lagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III.

Sinabi pa ni Marcos na napagkasunduan din sa bicameral committee na hindi papayagan ang incumbent o kasalukuyang SK officials sa kanilang posisyon sa oras na kanselahin ang eleksyon nga­yong taon.

“Ang compromise namin, no holdover pero may time limit kaya nilagyan namin ng October 28, 2014 hanggang February 23, 2015 para kailangang matapos,” paliwanag ni Marcos.

Back to Blog