Abante – Sin tax dapat patas — Enrile

By Dindo Matining | Abante

Abante-onlineDapat ay patas at wala umanong pinapaboran ang “sin tax bill” sakaling maipasa ito sa Senado.

Ayon kay Senate President Juan Ponce Enrile, kung maipapasa sa Senado ang sin tax bill, titiyakin umano nitong magiging patas ang ipapataw na karagdagang buwis sa alak at sigarilyo.

“I think we have to be very fair about dealing with this. Kawawa naman ang mga tobacco farmers,” ani Enrile.

Nilinaw pa ni Enrile na hindi naman sila kontra sa sin tax bill, subalit dapat aniyang ayusin ang ilang mga mali at hindi makatwirang probisyon na napakaloob sa nasabing panukala.

Sinabi pa nitong hindi katanggap-tanggap ang House version dahil sa meron itong pinapaborang produkto.

Ganito rin ang pananaw ni Senador Ferdinand Marcos na nagsabing dapat na pantay ang pagpataw ng buwis sa produktong tabako at alak.

“Ang tinitingnan namin ay parang hindi pantay ang pag-impose ng mga buwis sa tatlong bagay: beer, alak at tobacco o sigaril­yo,” giit ni Marcos.

“Kaya naman tinitingnan namin, pwede naman dapat siguro pantay-pantay naman ang pagbayad ng buwis ng tatlo na tinatawag na mga sin vices,” dagdag pa nito.

Back to Blog