Abante – PNoy, tobacco farmers nag-TY sa Senado

By DMatining and BJadulco | Abante

Nagpasalamat ang mga tobacco farmers sa mga senador dahil sa pagpasa ng anila’y ‘fair and equitable’ na sin tax measure.

Ayon sa PhilTobacco Growers Association (PTGA), bagama’t ‘far from ideal’ ang ipinasang sin tax bill sa Senado, mas mainam umano ito kaysa sa naipa­sang bersyon sa Kamara.

“It’s far from ideal, but was a significant improvement over other versions presented in Congress,” sabi ni PTGA spokesperson Asuncion Lopez.

Sa botong 15-2, ipinasa na ng Senado ang Senate Bill No. 3299 na naglala­yong makalikom ng karagdagang P40 bilyong revenue mula sa dagdag na excise tax sa sigarilyo at alak.

Sa nasabing halaga, P24 bilyon ang kokolektahing buwis sa sigarilyo at P16 bilyon naman sa alkohol.

Partikular na pinasa­lamatan ng grupo sina Senate President Juan Ponce Enrile, Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Sen. Ralph Recto dahil sa paglaban sa interes ng mga tobacco farmers.

Kaugnay nito, nakakuha naman ng ‘pogi points’ mula sa Palasyo ng Malacañang ang mga personalidad na naging susi para makalusot sa Senado ang sin tax.

Pinasalamatan din ni Pa­ngulong Benigno Aquino III ang mga senador na bumoto ng pabor sa panukala sa pa­ngunguna ni Senator Franklin Drilon, na siyang nagtimon ng panukala ng Senado upang ganap itong apruba­han noong Martes.

Back to Blog