Abante – Lacson, Singson haharap sa Senate probe

By Dindo Matining | Abante

Abante-onlineIpapatawag ng Senado sina rehabilitation czar Panfilo Lacson at Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Rogelio Singson sa kanilang pagdinig sa maanomalyang konstruksyon ng mga bunkhouses sa mga lugar na sinalanta ng super typhoon Yolanda.

Ayon kay Senador Ferdinand Marcos Jr., chairman ng Senate public works committee, ipapatawag ang dalawa sa kanilang pagdinig sa kontrobersyal na bunkhouses na nakatakda sa Miyerkules.

“I believe Secretary Lacson could provide the committee with invaluable information that would help us shed light on the alleged anomaly surrounding the construction of the bunkhouses for Yolanda survivors,” ani Marcos.

Naunang sinabi ni Lacson na “under investigation” ang pagtatayo ng mga temporary shelters matapos makatanggap ng impormasyon na “substandard” ang materyales na ginamit dito.

Pinabulaanan naman ni Singson na may “overpri­cing” sa pagtatayo ng mga bunkhouses at naghamon pa na magbibitiw siya sa puwesto kung mapapatunayan ang naturang alegasyon.

Si Singson, bilang pinuno ng DPWH, ang responsable sa konstruksyon ng mga nasabing temporary shelters.

Back to Blog