Abante – Drilon nakorner ni Marcos sa sin tax debate

By Dindo Matining | Abante

Abante-onlineTila nakorner ni Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. si Sen. Franklin Drilon nang mapaamin ng una ang huli sa ma­ling ‘bloated figures’ at ‘assumption’ sa panukalang dagdag excise tax sa sigarilyo at alkohol.

Sa pagpapatuloy kasi ng sin tax debate sa Senado noong Miyerkules, kinuwestiyon ni Marcos si Dri­lon sa maling fi­gures at assumption sa target nitong incremental revenue sa sin tax.

Resulta nito, hindi makasagot ng ‘counter computations’ si Drilon hanggang sa aminin ng huli na mali nga ang kanilang ‘assumption’ sa target revenue sa sin tax.

“We may not agree, but we accept (Marcos’ points) for the purposes of looking at amendments,” ani Drilon.

“We are willing to listen to amendments to ascertain e­rroneous assumptions. We are not perfect. We may have miscalcula­ted resulting in inaccuracies,” dagdag pa nito.

Back to Blog