Abante – Drilon, ‘di pa sure ball bilang Senate president

By Dindo Matining | Abante

Hindi umano sigurado na si Senador Franklin Drilon ang susunod na lider ng Senado kapalit nang nagbitiw na si dating Senate President Juan Ponce Enrile.

Ito ang inihayag kahapon ni Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. (NP) dahil sa kasalukuyan aniya’y patuloy pa rin ang negosasyon para sa naturang posisyon.

“There are negotiations, discussions at every level. At the party level, party to party and individual level, senators to senators,” sabi pa nito.

Bagama’t ‘front runner’ aniya si Drilon sa Senate Pre­sidency, hindi aniya nangangahulugan na siya na papalit sa pwestong iniwan ni Enrile.

“You can call him the front runner but you know what everybody else is going to do, what UNA is going to do, what LP is going to do, what new minority is going to do, the group of senate president JPE is going to do,” ani Marcos.

Ayon pa kay Marcos, kung tutuusin aniya’y hindi pa pinal ang nauna nang sinabi ni Drilon na nagkasundo na ang NP at LP na magkaroon ng ‘common candidate’ para sa Senate Presidency pagsapit ng 16th Congress.

Back to Blog