Abante – Bongbong: Wala sanang coverup!

By Dindo Matining | Abante

Nangangamba ngayon si Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa posibilidad na inilalatag na ng pamahalaan ang isang cover­up sa totoong nangyari sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 na tropa ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police (PNP).

Sa kanyang panayam sa DZMM-teleradyo sa programa ni ex-Sen. Joey Lina, kaduda-duda umanong pinatatagal ng gobyerno ang pagpresinta ng mga dokumentong magbibigay-linaw sa naganap na masaker ng mga tropa ng gobyerno.

Ilan sa mga dokumentong ito ay ang tinatawag na operational plan ng ‘Oplan Wolverine’, ang sinasabing operasyong isinagawa ng SAF para hulihin ang dalawang teroristang sina Zulkifli al hir alias ‘Marwan’ at Basit Usman, miyembro ng Jemaah Islamiyah.

Laman, aniya, ng nasabing plano ang mga intelligence pocket kasama rito ang approval sheet na kung saan malalaman kung sino talaga ang nag­latag ng plano, nagmani­obra at nag-utos sa mga SAF troopers na ituloy ang kanilang operasyon.

Sinabi ni Marcos na hindi na kailangan pang halughugin ito sapagkat lantad ito sa liderato ng Sandatahang Lakas at lalo pa ng palasyo.

Back to Blog