ABAKADA Leaders Caucus

Iyung mga ating ibang congressman dahil sa kanilang political commitment ay natatakot dahil ang naging ugali ng ating administrasyon ngayon na kung hindi ka sumang-ayon sa kanila, sila ay maghahanap sayo ng kaso, sila ay maghahanap sayo ng kasalanan. Kung hindi ka mahanapan, gagawa sila.

Kaya’t mabuti na lang at mayroon pa tayong mga kasama na may panindigan at hindi natatakot diyan sa mga ganoong klaseng panakot.

Nandito rin ang aking pinsang buo na tumatakbo bilang senador, Congressman Martin Romualdez. Kung makita ninyo, marami talaga kaming pinagsamahan, na marami kami talagang ginagawa. Kahit na iyung video ko, kahit anong gawin ko, hindi ko mahiwalay iyung ni Cong. Martin doon sa amin ginagawa dahil kung makita ninyo puro mga Yolanda iyung mga aming tinrabaho ng two years ago.

Kagagaling lang namin sa Leyte ulit, Tacloban noong nakaraang November 8. Nakakaawa at nakakalungkot na makita na sa nakalipas na dalawang taon, ay malayo pa ang dapat na ginawa. Alam naman natin kung ano iyung mga naging problema doon sa Yolanda, doon sa pagbigay ng relief. Kaya’t ito’y pagpatuloy sa problema na pagpatuloy pa nating kailangan na ipaglaban at mapag-usapan at madiskusyunan sa lahat ng all available forum that we have.

I’d also like to greet your second or third rather, third nominee, ang bagong salta sa pulitika. Officially bagong salta sa pulitika pero heavily involved na siya. Laging kasama namin, laging kasama ng mother ko. So kahit in his own private capacity, he has already been working with the different advocacies. He has already been supporting not only individuals, not only politicians, but causes, many, many years. Ito’y isang tao na kahit na hindi natin talagang masasabi nating isang mayaman, pero ang puso niya ay nasa pa rin, Mister AJ Violago.

Andito rin ang aking, siguro hindi niyo alam, karamihan sa inyo siya ay isang representative from Quezon City, pero kung titignan niyo, ang pangalan niya ay talagang ang kanyang ugat ng ating Congresswoman ay galing sa San Nicolas, Ilocos Norte, Congresswoman Tricia Bonoan David.

Kaya malalaman ninyo, kung talagang siya’y Ilocano ang kausap mo, ang tawag sa kanya hindi Congresswoman Bonoan David. Ang tawag sa kanya ay Congresswoman “Bonwan” David. Iyan ang “G-I” na pag pronounce ng kanyang pangalan.
I’d also like to greet Atty. Gadon who has been also working very hard over the many years. Atty. who’s been helping us in re-organizing the political structure that was left behind by my father in the form of the Kilusang Bagong Lipunan and now they are becoming more and more involved. Marami na silang ginagawa. Binubuhay nila ang KBL at binabalik ang ating mga layunin para sa ating bansa.

Also here is Atty. Chito Dumlao, who together with Congressman Jona, was member also of my staff and he was my Chief-of-Staff when I was Congressman in 1992. Again, although he is now technically and officially in the private sector, I know that over the years, karamihan ng buhay niya ay nasa public sector. Maybe not in an elective capacity, but in all other possible ways, he has been also helping the important causes around the country and the advocacies around the country.

Batiin ko rin ang ating mga kaibigan na nandito ngayon at ang mga PTA officers. Mayroon tayong mga kagawad na nandito. Andito rin ang FFW at saka iyung TODA, na napakinggan natin sila. Lahat ng ibang panauhin, na nakarating ngayong hapon na ito, maraming, maraming salamat sa inyong pagdating at magandang hapon sa inyong lahat.

Ang gagampanan ko raw ngayon is to give an inspirational talk. That is the role that I’m playing here namin dito sa workshop ninyo. Siguro, importanteng importante na talagang ma-inspire kayong lahat dahil maraming marami tayong hinaharap na problema and it will require not only hard work. It will require not only commitment and the passion to those advocacies. It will really require inspiration for us to find the solutions of the problems that we are facing now.

Nabanggit iyung ating napag-usapan kanina ang problema sa labor. Ito ay isa sa pinaka malaking problema na hindi natin makita. Hindi natin maunawaan kung bakit hanggang ngayon ang ating pamahalaan ay hindi nagbibigay ng proteksyon na nasa batas naman. Sa dinami-dami ng kanilang ipinaglaban na kaso at sa dinami-dami ng mga desisyun na nanggaling sa ating mga korte na humahanay sa ating mga labor force against management. Ito nga iyung mga 5-5-5, iyung contractualization, lahat iyang mga bagay-bagay na iyan, iyung ating mga manggagawa hindi malaman kung sila ba ay mababalik sa trabaho, kung magiging unemployed sila sa susunod na buwan. Itong sistema na ito ay hindi pinapayagan ng ating batas, ngunit, hindi natin maunawaan kung bakit ang DOLE ay ganyan pa rin ang kanilang pinababayaan pa rin na ang mga malalaking korporasyon ay pinababayaan na gawin pa rin iyan sa ating mga manggagawa. Hindi ko naman maintindihan dahil malalaki nga silang korporasyon, bakit? Kulang pa ba iyung kita nila na kailangan nilang kunin ang benepisyo na dapat ibigay sa ating mga manggagawa? Alam naman natin ang Pilipino, hindi naman tamad. Ang Pilipino ay matiyaga. Ang Pilipino ay marunong at masipag. Bakit nila pinarurusahan ng ganito?

Sa bawat sektor nakikita natin, iyan sa sektor ng ABAKADA, iyung education. Isa ito sa laging pinag-uusapan ang malaking pagkukulang dahil ang turo sa akin ng aking ama na sa pamahalaan ang pinaka importante, ang pinaka mahalaga na serbisyo na idinudulot ng ating pamahalaan para sa ating kababayan ay ang edukasyon. It is the most important service that government can provide to its people. That is why noong nag-uusap kami, sinasabi niya lagi, ang isang maipagmamalaki natin noong panahon na siya’y pangulo, kalahati halos ng budget ng gobyerno ay nasa edukasyon.

Ano ang naging resulta? We had become the most literate country. We are the best English-speaking country in Asia. Kaya naman nagkaroon ng 8 million OFW’s. We have the best trained work force. Iyan pa rin. Kaya tayo nagkaroon ng OFW. Kaya pagka napunta ang OFW sa abroad at namimili ang mga employer na kung sino ang kukunin, pagka may Pilipino, iyan ang inuuna. Priority ang Pilipino dahil diyan.

Ngayon, nawala na lahat iyan. Ang nakikita nating mga problema parang hindi seryoso, hindi buo ang loob sa pagtulong. Ang aking laging sinasabi, dapat unang-una, para maging mas matibay at mas maganda ang ating educational sector, ay dapat nating tulungan ang ating mga teacher. Dapat suportahan natin ang mga teacher. Hindi lamang sa mga benepisyo, hindi lamang sa pagpataas ng kanilang sweldo, kung hindi sa pag training, kung hindi sa pag paganda ng mga school supplies, pagandahin ang mga libro. Ngayon, parang lalong-lalo na ngayon, pinababayaan na lang natin. Hindi iniisip na importante ito. Basta’t mayroon lang masabi na mayroong libro, pinagkikitaan pa ng kung sino-sino ang mga kontratang iyan. Palagay ko kailangan na nating matigil iyang ganyang klaseng crooked practices na nakikita nating nangyayari dahil ang tinatamaan ay ang mga bata.

Ang kabataan naman natin ay alam natin na pag sinasabi lagi natin na, ang kabataan ay ang pag-asa ng Pilipinas. Totoo lahat, totoo lahat iyan. Sino ngayon ang nagtuturo sa mga kabataan? Sino ngayon ang nagbibigay ng magandang pag-asa para sa kinabukasan para sa mga kabataan, kung hindi ang ating mga guro. Kaya iyun ang dapat natin unang tignan. Kung papaano natin matutulungan ang ating mga guro para unang-una, magawa nila ang kanilang trabaho. Iyung mga training, iyung mga support, iyung ating mga pagtulong sa mga bagong teknolohiya. Kailangan sila turuan. Lahat iyan ay kailangan para isuporta dahil para sa akin, lahat ng guro ay bayani.

Ang guro ay hindi pumapasok sa eskwelahan para magturo dahil iyan ang trabaho nila. It is a different thing all together. Teachers teach because it is their vocation. It is not their job. It is their vocation. They need. There is something inside teachers that they sacrifice their life. Wala naman naging milyonaryo na teacher. Wala naman naging mayaman na teacher. Bakit nagpapatuloy pa? Ang hirap-hirap ng buhay ng teacher. Pagka may mga elected officials pag dumating kami sa isang bayan, sino ang magluluto? Sino ang mag-aayos? Sinong magpapatakbo ng programa? Sino ang laging andun? Teacher. Pagdating ng halalan, naku ito na iyung mga kandidato, kung ano-ano ang pinapagawa na alanganin sa ating mga teacher. Tapos pag hindi naman nagawa, kawawa naman.

Kaya kailangan talaga natin kilalanin na sila ay bayani. They are heroes. As far as I’m concerned they are heroes and because we have not in support for our teachers, that is why the educational system in the Philippines, medyo kakarag-karag na kaunti at kailangan natin baguhin at kailangan natin ayusin. If only to think of the future of the Philippines. We cannot find ourselves in a bright future if people are not educated. We cannot find a bright future for ourselves if our people are not well trained and ready to compete in the world market. Global na tayo ngayon kailangan kaya nila makipagsabayan at makipagkompetensiya sa lahat ng iba’t-ibang bansa sa buong mundo. So far we have been able to do it not because we have a brilliant training program but because we are Filipinos at ang gagaling talaga ng Pinoy. So that is why we have succeeded so far. We should be more supportive of that.

Itong ating nakikita na K to 12. Hanggang ngayon, sinasabi natin, osige kailangan ng K to 12. Pero pinag-isipan ba ng mabuti? Iyung mga PTA dito, tinanong ba sa inyong mga PTA kung ano iyung gusto ninyong gawin? Tinanong ba sa mga magulang? Kasama ng mga teacher ay magulang para sa edukasyon ng isang bata. Kaya’t nakakapagtaka, hanggang ngayon sinasabi ko, nakipag meeting ba kayo sa PTA? Naipaliwanag niyo ba ng mabuti kung ano ba ang mga magiging pagbabago pag nilagay nating iyung K to 12? Bukod sa lahat, alam niyo ba kung gaano ang madadagdagan ang gastos ng ating mga magulang. Kaya ba nila? Gusto ba nila? Wala silang tinatanong na ganoon.

Pero nasusunod parin ang kanilang pag-implementa na hindi natin maunawaan kung saan pupunta. Marami tayong naririnig na magagandang statistics. Sinasabi na we have no back log in school rooms. Tinignan namin ng mabuti. Totoo. We have no back log of school rooms as of 2010. It is already 2015. Kung ano na ang naging backlog in 2011, 2012, 2013, and 2014, nandiyan pa rin. Kaya huwag tayong masyadong madadala. Tignan natin ng mabuti. That is why it is so important kayo na ang umiikot at pumupunta sa grass roots para makita kung ano ang mga dapat gawin at kung ano ang talagang nangyayari. This is what is really happening and this is a very serious concern because we have adopted a policy that we cannot seem to implement properly. The reason we cannot seem to implement properly seems to be that the government does not really understand why we adopted the policy. That is why the implementation is not really very good.
Beyond all of this, pag pinag-aaralan ko ang educational system lalo na ngayon na papasok tayo sa budget at tinitignan natin iyung mga SUC’s, kung ano iyung mga binabawas, kung ano iyung pinapalitan. Ang SUC’s siguro kada taon, noong isang taon, sinubukan pang ibaba ang budget ng SUC’s. Sinubukan pang tanggalin lahat ng mga idinagdag namin. Buti na lang at hindi namin pinabayaan at hindi namin pinayagan na ganoon ang mangyari. Pero nakakatulong iyun. Pero walang increase doon sa MOA, walang increase doon sa building program, walang increase sa lahat ng mga ating ginagawa at iyung tulong ulit sa ating mga estudyante.

Dahil nga iyung aking ama ay talagang seryoso tungkol sa edukasyon, marami tayong nababalitaan. Marami tayong nakikilala. Marami tayong nakikita na tinatawag na, Marcos Scholars. Libo-libo iyan na pinag-aral noong panahon ng aking ama dahil sila ay walang kakayahan ngunit may dunong, may galing, may tiyaga, masipag. Dapat talaga mabigyan ng pagkakataon. That is what happened kaya may may mga Marcos Scholars.

We do not have any large scale scholar program in the Philippines today. That is why when we were studying budget, noong pinag-aaralan namin iyung budget at tinitignan namin, what can we do for education? What we can do for education is again, because we have not instituted any scholarship program in the country, tinignan namin at pinag-aralan ko ng mabuti. That is why I have been proposing, baka sabihin ng iba, radikal. Pero palagay ko hindi. Palagay ko kaya nating gawin. Palagay ko ko maraming matutulungan. Sa aking pagpalagay, dapat panahon na na lahat ng estudyante, ng lahat ng SUC sa buong Pilipinas ay libre na ang pag-aaral nila.

Hindi ito suggestion na ito ay suntok sa buwan. Pinag-aralan namin ang budget. Alam niyo ba kung magkano? Kung titignan natin kung ilan ang mga estudyante sa SUC at kung ano iyung tuition fee, at ano iyung mga cost ng iyan. Hulaan niyo magkano ang magiging pondo na kailangan ng gobyerno para pondohan ang libreng tertiary public education. Who can give me a number? Trillion? Isang daang bilyon? Maniwala kayo. Kung titignan, fifteen billion. Fifteen billion pesos will pay for all the students in SUC for free tertiary education.

APEC. They spent 10 billion already on APEC. Kayang-kaya iyung APEC. Iyung budget natin, trillion. Ano ba naman iyung 15 billion? Sa dinami-dami ng matutulungan noon? Palakihin pa natin. Alam natin maraming mga estudyante na umatras na pumasok sa tertiary dahil wala silang pambayad. Kung isama natin iyun, iyung estimate namin, eighteen billion pa rin. How much was DAF? The DAF fund was one hundred and seventy billion pesos na hindi natin hanggang ngayon malaman kung saan napunta. Siguro naman kung kukuha tayo diyan ng eighteen billion, natulungan natin lahat ng estudyante natin sa kolehiyo at palagay ko mas maging magaganda ang effect na iyan. Kaya iyan ang mga dapat natin ipaglaban. These are the initiatives that we have to fight for.

Kung pupunta naman tayo sa presyo ng bilihin. Napag-usapan na rin natin ang mga estudyante. Ano ang mga, pagka tinanong niyo, bilang politiko, halos twice o three times a year kami magpasurvey. Para malaman natin sa ating mga taong bayan kung ano talaga ang kanilang inaalala. Ang kanilang inaalala na mga isyu sa kanila. Para alam namin kung ano iyung dapat naming unahin. Paano natin iprioritize ang aming trabaho, ang aming pondo. In the thirty plus years that I have ran surveys, ngayon lang nangyari. Number one on the issues on people’s minds, drugs.

Hindi nangyari iyan noon. Ngunit ang paglaganap ng illegal drugs ay napakabigat na ngayon. Tinignan ko ang statistics, sabi nila, ninety-three percent ng barangay dito sa National Capital Region ay mayroon ng drug syndicate, mayroon ng nagbebenta ng iligal na droga sa bawat lugar ngayon. Ngunit, hindi lamang. Alam naman natin iyung drug problems, sinasabi sa cities lang iyan, sa malalaking lungsod. Pero ang nangyari ngayon ay lahat na ng lugar kahit na mga rural areas, ay napasukan na. Bakit nagkaganyan? Dahil pinababayaaan.
Tama iyung ginagawa ng ating pulis. Hinuhuli by-bust iyung ginagawa nila. Dapat hulihin iyan. Pero dapat nilang palitan, number one iyung batas, dahil bailable more or less two hundred, iyung mga pulis alam nila iyan. Kung mahulihan ka ng any quantity less than two hundred grams, bailable ang pagkulong sa inyo. Kaya naman iyung hinuhuli nila by-bust, ay syempre ang dala nila, kakaunti lang. Wala pang isang araw, nakalabas na iyun. Balik nanaman sa lansangan at kung ano-ano ang ginagawa, sa batas.

Pangalawa, iyung by-bust operation, ang kinukuha lang nila iyung pinaka maliliit sa sindikato. Siguro naman tayong lahat, kilala natin kung sino ang mga drug lord dito sa Pilipinas. Kung sino ang mga naglalaganap ng, winawasak ang ating kinabukasan dahil winawasak nila ang buhay ng ating mga kabataan. The greatest resource we have is our people. The greatest resource that we have for our future are our children- the young, are the youth that will take our place when the day comes. This is something that we have to pay a great deal of attention.

Dahil hindi natin puede sisihin ang pulis. Kulang ang trabaho ng pulis, kulang ang trabaho ng gobyerno. Hindi po totoo iyun. Kailangan hindi lang sa kapulisan ang solusyon. Kailangan ang solusyon niyan ay nasa ating lahat, ngunit, kailangan natin pag-aralan ng mabuti kung ano ba ang gagawin natin.

Ang presyo ng bilihin, bakit napakataas? Bakit? Dahil ang agrikultura natin, pinabayaan. Ang agrikultura natin, imbis na pagandahin, imbis na palawakin ang ating agrikultura, ang ginagawa, pinababayaan para makapag-import nanaman. Tayo ay Pilipinas na, I think it was 1976, na we were a net exporter of rice. Now, in 2015, the Philippines is the largest importer of rice in the world. Every year, pataas ng pataas ang pag-import natin. Hindi lamang bigas, kung hindi ang iba’t-ibang produkto.

Sa palagay ko naman, sa galing ng ating mga magsasaka, sa kanilang sipag, iyan ang nakikita ko, kung supotahan ng gobyerno ay palagay ko, mas magiging maganda ang takbo ng ating agrikultura. Bababa ang presyo ng bilihin, mas magiging kakaunti, kahit kakaunti, mas magiging maginhawa ang buhay ng ating mga kababayan.

Bakit hindi natin nakikita na nangyayari ito? Bakit hindi nila magawan ng solusyon? Bakit nandiyan ang problema, kinikilala ng lahat, at alam din natin ang solusyon, kadalasan. Bakit hindi natin nakikita na kapag tayo’y nagrereklamo sa ating pamahalaan o kaya may sitwasyon o may krisis, sinasabi natin, ano iyung dapat nating gawin? Bakit hindi nagagawa?

Sa palagay ko, ang sagot diyan sa tanong na iyan ay simple lamang. Dahil sa nakaraang ilang taon , ang gawain ng pamahalaan ay hindi ipagsama-sama, hindi ipagkaisa ang Pilipino. Ang kanilang ginagawa alang-alang lamang sa pulitika, sila ay pinagaaway-away tayong mga kapwang Pilipino. Pinagaaway-away tayo na mga Pilipino na isa’t-isa, alang-alang lamang sa pulitika. Kaya naman winawasak ngayon nila ang ating lipunan.

Kaya’t iyan ang aking adbokasiya. Maaari nating pag-usapan lahat ng mga isyu na nakikita natin, ngunit, ang puno’t dulo nito sa aking pananaw, ay ang pagkakaisa. There is a very famous, I’m sure the teachers will have taught it to their students, there is a very famous saying. There is a very famous quotation from Abraham Lincoln noong parating na iyung civil war doon sa America. Ang kaniyang sinasabi sa isa sa kaniyang speech is, “a house divided against itself cannot stand”. That is what the policy is driven only by politics have brought us. We are a house against itself and therefore, we do not stand.

Ang galing-galing ng Pilipino. Ang husay-husay. Napaka suwerte natin. Napunta na ako sa lahat ng sa palagay ko sa lahat na ng bansa sa buong mundo, pero wala pa akong nakitang kasing galing, kasing tiyaga, kasing dunong, kasing sipag, kasing bait, ng Pilipino. Kung ganyan ang ating main focus, bakit ganito pa tayo? Dahil ang ating mga lider ay ayaw tayong paahunin. Ginagawa nga nila ay pinagwawatak-watak ang buong Pilipinas. Papaano? Ano ang mangyayari sa atin?

Ang dapat mangyari ay ibalik natin ang pag-iisip na tayo ay magkaisa. Kailangan natin ibalik ang pag-iisip hindi lamang sa taong bayan, kung hindi lalo na sa liderato ng buong bansa na tayo ay dapat magkaisa at magtulungan. Alalahanin natin. Huwag natin makakalimutan na ang magmamahal lamang sa Pilipino ay Pilipino rin. Ang tutulong sa Pilipino ay Pilipino rin. Kaya’t huwag natin ipinaghihiwalay. Ipagsama-sama natin ang ating mga kababayan, ng ang kapwa Pilipinong nagtutulungan. Ang kapwang Pilipino ay nagmamahalan. Ang kapwa Pilipino ay nagtatrabaho para sa kapakanan, hindi para sa kaniyang sarili, hindi para sa kanilang pamilya lamang, hindi para sa kanilang barangay o kanilang bayan lamang, kung hindi para sa buong Pilipinas.

Iyang pag-iisip na iyan, iyan ang ating layunin, na ibalik ang pag-iisa. Syempre Ilocano pa rin tayo, Tagalog pa rin, Bisaya, Bikolano, Waray-Waray, siempre diyan pa rin tayo nanggaling, ngunit, huwag natin kakalimutan, bukod sa lahat, tayo ay Pilipino. Pagka itong aking sinasabi na pagkakaisa, ay maramdaman ulit natin, ay makamtan ulit natin iyung pag-iisip ng isang bansa, isang diwa, isang gawa, ay babalik sa Pilipinas.

Sa ganoong paraan, mararamdaman ulit natin na nagtutulungan ang mga Pilipino. Mararamdaman natin na ang Pilipinas ay gumaganda ulit. Mararamdaman ulit natin ang respeto ng iba’t-ibang bansa. The respect and the admiration of the international community- that which we have lost, will come back to us and it is up to us to do that. That is what we are fighting for. We are fighting to solve the issues, but in the end those issues cannot be solved if we are not one.

That is why I am running. That is what I pray for. That is my dream. With you, with your support, magtulungan tayo abutin natin ang pangarap na iyan.

Maraming salamat at magandang hapon sa inyong lahat.

Back to Blog