46th Araw ng Pagadian

Mayor Romeo Pulmones,

Vice-Mayor Divina Grace Yu,

Members of the Sangguniang Panglungsod of the City of Pagadian,

Governor Antonio Cerilles of the Province of Zamboanga del Sur,

Other officials, employees and staff of the City Government of Pagadian,

Other guests and friends of the City of Pagadian,
Mga minamahal kong mga Pagadianons,

Maayong buntag kaninyong tanan!

Marami pong salamat sa pagkumbida sa inyong lingkod upang makasama kayong lahat dito sa inyong ika-apatnapu’t anim (46th) na taon ng paggunita ng pagiging Lungsod ng Pagadian o ang “Araw ng Pagadian”!

Ikinararangal ko po ang makadalo rito sa okasyon na ito, at tunay na napakapalad ko rin po dahil nandito at kasama natin ang mga magigiting na mga lingkod-bayan ng ating lokal na pamahalaan, na pinamumunuan ng Punongbayan ng ating mahal na Lungsod ng Pagadian na si Mayor Romeo Pulmones, Vice-Mayor Divina Grace Yu, mga miyembro ng Sangguniang Panglungsod, at ang Punong-lalawigan ng lalawigan ng Zamboanga del Sur na si Antonio Cerilles!

Napakaganda at napakamakabuluhan na mensahe po ang naipaparating nito sa ating mga kababayan, na ang mga pinuno ng ating bayan, mula sa lokal at pambansang pamahalaan, ay nagkakaisa at humaharap sa taumbayan sa okasyon na ito ng may iisang hangarin—at iyon ay ang tiyakin ang patuloy na kaunlaran ng ating Lungsod at ang kapakanan ng mga Pagadianons!

As we celebrate the 46th birthday of our beloved City, this is a valuable opportunity for our leaders to reassure our beloved Pagadianons that the City of Pagadian is right on course, and that Pagadian has nowhere to go but up, and that we are striving to continually strengthening the capacity and the competence of the City to establish with authority and with pride its permanent claim to being the Regional Center of the Zamboanga Peninsula region (Region 9)!

Especially considering the fact that 2016 is just around the corner. Let us all follow through with all the programs, projects and other beneficial policies that we had planned and envisioned for our people in 2013.

The national government and local governments should closely band together with the private sector and harmoniously work with each other to achieve these goals and objectives, not only with unity and coordination but also with an aligned common goal, as we all head towards the half-century mark of the Cityhood of Pagadian—which is only four (4) years from now! Together, let us target a quantum leap of economic development for Pagadian City by 2019!

For example, a major infrastructure that should be foremost on our list is our energy security or supply.

The unreliability of power supply, the problem of rotating brownouts is a constant scourge here in Mindanao, and is not only a cause of considerable annoyance to the People, but also is a substantial impediment to the progress of our beloved City and the rest of Mindanao.

Ilang beses na nasisira at nagugulo ang mga araw at mga buhay natin sa ganitong klaseng eksena—

“Unsa bani uy! Wala na puy kuryinte! Ka igang ug kadaghang lamok!”
(Ano ba ‘yan! Wala na namang kuryente! Kainit na nga at karami pang lamok!)

“Makasipok ning adlawa!” (Panira talaga ng araw!)

Tunay nga naman pong panira ng araw at napakalaking sagabal ang ganitong problema sa ating buhay at sa kaunlaran ng ating bayan.

Maayo pa naa away si Cong. Manny Pacquiao, kay sigi ra naa kuryinte! Kanindut ug kada adlaw naa away si Pacquiao!
(Mabuti pa kapag may laban si Pacquiao, may kuryente. Sana araw-araw ay palaging may laban si Pacquiao!)

Para sa inyong kaalaman, bago ang laban ni Cong. Manny Pacquiao at ni Mayweather, naglabas ng utos ang National Electrification Administration (NEA) sa lahat ng mga electric cooperatives sa buong Pilipinas para gawin ang lahat ng makakaya upang masiguro na may sapat na kuryente at walang brownouts sa buong bansa sa araw ng laban ng ating Pambansang Kamao.

Simple and clear it may sound, but this example speaks volumes about the effectivity and workability of the mechanisms of coordination and regulation that are in place in our overall system.

Kung ang ganitong klase ng mahigpit at tutók na koordinasyon ay ginagawa ng buong pamahalaan at ng pribadong sektor sa bawat araw ng ating buhay, tiyak na mas madali tayong makakakita ng mga karagdagang solusyon sa mga pangunahing problema ng ating lipunan.

Napakagaling talaga ng ating Pambansang Kamao! Hindi lamang niya kayang pagkaisahin ang taumbayan sa pamamagitan ng kanyang kamao. Tila pati ang pamahalaan ay kaya rin niyang hikayatin para kumilos nang tama!

Sa mas seryosong usapan, ang punto lang naman po na gusto kong iparating ay dapat palaging maayos ang plano, at nagkakaintindihan at swabe ang ugnayan ng ating pamahalaan at pribadong sektor, lalong-lalo na sa mga mahahalagang isyu at pangangailangan ng lipunan, na tulad ng enerhiya o kuryente.

Palaging sinisisi ang mga lumang pasilidad ng mga power plants na nasa Mindanao. Pero ang palaging tanong ng taumbayan: bakit hinayaang naluma? Bakit hindi nadagdagan, napalitan, o naremedyuhan ang mga ito bago pa man sila umabot sa ganitong kondisyon?

Mahirap nga naman po itong maintindihan ng taumbayan, lalo na kung ang buwis at bill ng kuryente sa Pilipinas ay patuloy namang tumataas nang tumataas at sinasakal ang taumbayan!

Kung hindi “preventive maintenance” ng mga planta o di kaya ay “sabotahe” ang palagi na lang nating naririnig na mga binibigay na dahilan ng ating nararanasan na mga blackouts.

Sana po ay umaaksyong mabuti ang lahat ng mga mahahalagang sangay, mula sa pamahalaan at sa pribadong sektor, upang ang lahat ng ito ay maisaayos, bago pa man tayo umabot sa mas malalang krisis.

Kung kaya naman po ako sa Senado, ginagawa ko po ang aking bahagi sa paglutas ng mga suliraning ito.

Halimbawa, itong panukala ng Bangsamoro Basic Law (BBL) sa Senado ngayon. Napakalaki po ng epekto nito hindi lamang po sa Muslim Mindanao, kundi pati sa mga karatig na lugar, at sa buong bansa rin.

Sa larangan na lamang ng enerhiya na ating pinag-uusapan, ang Lake Lanao ay isang napakahalagang katubigan para sa kabuuan ng Mindanao. Mahigit kalahati (50%) ng kuryente ng Mindanao ay nagmumula sa Lake Lanao, na siyang nagpapadaloy ng Agus River, na siya namang nagpapatakbo ng anim (6) na mahahalagang mga planta sa Mindanao.

What would happen if Lake Lanao is allowed to be claimed as part of the “Bangsamoro territory”? Of course, control over it would be divested from the control of National Power Corporation (NPC) and transferred to the Bangsamoro government.

In our hearings in the Senate, the Mindanao Development Authority (MinDA) has conveyed to Congress its position and the rest of the Mindanaoans who are just as much affected, that Lake Lanao should be excluded from the Bangsamoro territory, and should be maintained under the exclusive control of the national government for the communal use and benefit of the entire Mindanao.

Please rest assured that we are doing everything to craft a BBL that will be inclusive and beneficial to the whole of Mindanao and our entire nation.

Nakikipag-ugnayan din po ako sa ating mga electric cooperatives para siguruhin na inaayos nila ang kanilang operasyon at pamamalakad nang alinsunod sa ating batas, upang mapaganda nila ang kanilang serbisyo sa kani-kanilang mga lugar, kapalit ng mga magagandang mga benepisyo na ipinapangako sa kanila ng ating batas, tulad ng mga tax exemptions at iba pang mga pribilehiyo.

Nabalaka kaayo ko’g daku ma-o man gani nga ako kini tanang gihimo.
(I am very concerned, that is why I am doing all these.)

Ilan lamang po ito sa ating mga ginagawa upang makatulong sa pagsasaayos ng imprastraktura sa Mindanao sa larangan ng enerhiya, nang sa gayon mabawasan ang paghihirap ng mga taga-Mindanao dahilan ng madalas na pagkawala ng kuryente.

A continuous, uninterrupted and reliable energy supply in the Zamboanga Peninsula and in the whole of Mindanao is essential and indispensable if we are to pave a clear and unobstructed path to progress and economic development that we all have been dreaming and aspiring for in our beloved land of Mindanao!

Especially so in our beloved City of Pagadian, which dreams of cementing its status as the Regional Center of the Zamboanga Peninsula! Indeed, our energy security is key to finally putting an end to this 25-year issue of official recognition by the national government.

As I have been saying, I firmly believe that at the end of the day, the ultimate desire and aspiration of all our kababayans, Muslims or non-Muslims alike, is—in simple terms—“HAYAHAY NGA BUHAY”! (Magandang buhay!)

So, congratulations to the City of Pagadian on the occasion of its 46th Anniversary of its Cityhood! We look forward to the forthcoming years, as we make big and steady gains towards another major milestone in your local government history four (4) years from now!

I wish you continued peace, stronger unity, and greater progress and success in this great City, rippling to the Province of Zamboanga del Sur, the Zamboanga Peninsula region, and the entire island of Mindanao, and ultimately contributing to the overall development of our country!

Magkahi-usa kitang tanan ug magtinabangay para sa kalampusan, kauswagan ug mapadayunon nga kalambuan sa atong Siyudad! (Let us all unite and work together for the success, prosperity and continued improvement of our City!)

Mabuhi ug asenso, Pagadian!

Mabuhay ang lalawigan ng Zamboanga del Sur!

Mabuhay ang Zamboanga Peninsula region!

Hangtud sa sunod natung panagkita!
(Until we meet again!)

Maayong buntag kaninyong tanan!

Daghang salamat kaninyong tanan, hinigugma kong mga Pagadianon!
(Maraming salamat sa inyong lahat, mga mahal kong mga Pagadianon!)

Back to Blog