Interview with Ruben Ballesteros of Aksyon Radyo

Q: Ano po ang sadya niyo ngayon sa La Union Senator?

BBM: Mayroon akong pupuntahan mamaya dahil mayroong conference ang mga barangay health workers, at mayroon mga ganyang mga konperensya lalo na sa mga local governments ay lagi kong pinupuntahan dahil para naman kilalanin naman ang importansiya ng kanilang trabaho. Lagi ko ngang sinasabi, kung wala ang ating mga barangay officials at barangay volunteers ay hindi mararamdaman ng tao ang pamahalaan at sila ang nagdadala ng serbisyo at ng tulong na galing sa gobyerno sa taong bayan. Bukod pa roon, makikipagmeeting ako at dahil Undas ay pupunta kami mamaya at bibisita kami sa isa sa SAF 44 na nilibing na tiga La Union. Si P02 Nacionales who died in Mamasapano para again to remind our people of the sacrifice that the SAF 44 has made. Iyong inaantay pa rin ng mga pamilya na niawan ng SAF 44, iyong kanilang tuloy-tuloy napag-aantay at pag-aasa ng katarungan para sa kanilang mga kamag-anak na namatay, iyong kanilang ama, kanilang kapatid, kanilang anak, na namatay sa Mamasapano.

Q: Okay Senator, kayo’y kakandidato bilang Pangalawang Pangulo ng ating bansa, ano po ang mga handang plataporma niyo, Senator?
BBM: Well, siyempre ang ating laiging pinag-uusapan at iyong pinangungunahan ay iyong mga problema ng ating mga kababayan iyong problema sa droga. Halimabawa, kailangan natin gawan ng paraan iyan. Mahuli na iyong mga malalaking drug lord. Sa presyo ng bilihin, nahihirapan ang tao dahil tuloy-tuloy ang pagtaas ng presyo ng bilihin siguro dapat natin gawin ay gumawa ng sistema para makabili ng marami ang gobyerno tapos ipagbili ang produkto sa taong bayan at iyong farm grate price at huwag ng pagkitaan. Iyong ating problema sa trabaho ay siguro iyan ang isa sa pinaka malaking problema na hinaharap ng mga Pilipino ngayon at kailangan bigyan natin ng pansin iyan at marami namang puwedeng gawing programa para tulungan. Kasi karamihan naman ng mga workers natin ay nasa 90% ay nasa pivate sector. Siguro ang dapat gawin ng gobyerno ay tulungan magtraining at magpasanay sa mga areas na kinakailangan ng private sector. Ganoong klaseng problema. Kailangan natin ayusin ang agrikultura natin. Kailangan natin pagandahain at palawakin ang patubig. Ang tulong ng gobyerno sa inputs, ang tulong ng gobyerno sa pautang, doon sa research and development lahat iyan ay kailangan na natin ayusin. Although tama ang policy sa ngayon, ay hindi naiimplementa ng mabuti. So, marami tayo. Iyong edukasyon, iyong K to 12 naiiharapan ang implementasyon. At mayroon akong pinag-aaralan, siguro lahat ng estudyante ng SUC gawin na nating scholar. Gawin na natin libre iyong SUC. Kaya naman. Hindi naman ganoon karami at hindi ganoong kalaki ang kakailanganin para gawin iyan. Maganda sana iyon dahil madami tayong nakikita na mga estudyante na talagang magagaling at marurunong at masisipag ngunit hindi makapasok dahil for financial reasons. Siguro ito ay malaking tulong na maibibigay ng gobyerno. Iba lang iyan sa mga iba’t-ibang area na dapat sa palagay ko ay tignan. Sa palagay ko ay pwedeng ayusin ang mga problemang doon sa mga sector na iyan. Hindi naman siguro natin kailangan gumawa ng bagong batas. Hindi na natin kailangan gumawa ng bagong polisiya. Pagandahin lang natin kung ano iyong nandiyan. Pagandahin na natin, gawin na natin mas streamline. Speaking of streamline, iyong sa OFW, iyong sinasabi natin, iyong lagi natingpinag-uusapan na One-Stop-Shop para sa kanila. Lalo na ditto sa atin, madami tayong OFWs na nagbibiyahe. Iyong One-Stop-Shop is matagal na nating napag-uusapan, hanggang ngayon hindi pa natin nagagawa. Siguro panahon na na gawin na natin iyan para iyong ating mga bagong bayani ay hindi na natin pinahihirapan kung hindi, tinutulungan.

Q: Okay. May nagtatanong Senator. Ano daw ang kinaibahan ni Senator Bongbong Marcos kesa sa ibang kakandidato sa Pangaalwang Pangulo?

BBM: Palagay ko ay siguro dahil sa tingin ko, lahat ng problema, iyong malalaking problema na hinaharap natin ngayon, ang malalaking problema ay nanggagaling sa iyong mga problema na dikit sa sikmura. Ang talagang kailangan ayusin ay ang ekonomiya at iyong distribution of wealth kung tawagin. Sa palagay ko, iyon naman ang training ko. May training ako sa economics at karamihan ng mga ibang kandidato ay abogado. Palagay ko sapat na ang batas natin dito sa Pilipinas, diyan sa mga iba’t-ibang isyu na iyan. Kailangan na siguro ngayon kaya iniisp ko babalik ako sa Executive para ma-implement naman iyong mga batas na iyan para matulungan ang ating mga kababayan.
Q: Okay. Senator, may phone in question dito on the education dito sa La Union. Ano daw po ang assistance na puwede niyong ibigay sa Don Mariano Marcos Memorial State University pag kayo po ay nahalal bilang Bise-Presidente?

BBM: Syempre lahat kailangan patibayin nga natin ang state school system. Kagaya ng sabi ko, ang aking isa sa magiging proposal ay gawin libre na ang SUC’s. Lahat ng SUC’s natin basta’t maganda ang grado at nakitang nag-aaral ng mabuti at matitiyaga at masipag ang ating mga estudyante. Dapat siguro ay bigyan na natin ng pagkakataon sa pamamagitan ng pagbigay ng scholarship. Sa palagay ko, kaya natin gawin ito. It’s just a question of political will and I think it is something na dapat pag-aralan ng mabuti. Sa specific, I think sa palagay ko, lagi ko ngang binabanggit, ang edukasyon ang pinaka-importanteng serbisyo na ibinibigay ng pamahalaan sa ating mga kababayan. Kialangan nga, bigyan ng mas malaking attention ang ating mga SUC’s. Hindi lamang sa funding, kung hindi sa support, sa technical support, lahat iyan ay dapat talagang patibayin ng husto. Iyong school system natin ay hindi na kasing galing ng dati at saying naman dahil maramingmga pagkakataon, opportunities na nawawala sa ating mga estudyante pagka graduate nila dahil nga may kakulangan ang kanilang educational system. Kailangan ipantay na natin iyong education system sa international standard. Dahil doon tayo nakikipagkompetensya- sa global community, sa global economy. Kailangan kaya ng mga estudyante na tumapat at lumabis pa sa mga ibang katapat nila sa global market. Ganoon dapat ang thinking natin- iyong global.

Q: Okay. Senator, panghuling katanungan, gusto ko lang magkaroon ng update regarding sa passage ng BBL, kung maihahabol pa ba ito?

BBM: Palagay ko, nagigipit na tayo sa oras. Dahil babalik kami next week at magsesession ulit. Pero ang talagang uunahin diyan ay ang budget. Kung anong maiwan na oras sa session period hanggang Disyembre hanggang Pasko na, siguro puwedeng balikan iyong BBL. Pero hindi lang BBL ang kailangang madeliberate sa Senado at sa House dahil marami pang mga priority bills na na-identify namin na kailangan tapusin bago matapos itong kongreso na ito. Although, babalik-balikan natin iyan hangga’t kaya. Talagang nahuli kasi ang pagbigay ng draft bill sa amin at talagang nadelay ng husto kaya’t ngayon medyo gipit sa oras ngayon.

Q: Okay Senator alam namin na marami kayong scheduled activities ngayong umaga, maaaring maghapon. So, kung ano po iyong panghuling statement niyo para sa ating mga tagapakinig Senator>

BBM: Gusto ko lang batiin lahat at magpasalamat na binigyan ako ng pagkakataon na pag-usapan ang mga iba’t-ibang bagay tungkol nga sa mga isyu sa ating bansa ngayon. Sana naman itong ipagpatuloy natin ang pagpapaliwanag ay magkakaroon tayo ng suporta at baka naman sakali ay maipagmalaki natin ulit ang lagi nating sinasabi na “Solid North” dito sa darating na halalan. Thank you very much. Magandang umaga po sa inyong lahat.

Back to Blog