2nd Regional Liga Assembly – CARAGA Chapter

Officers ng Regional na Liga ng CARAGA. Welcome to Cebu. Ako naman po’y welcome sa inyo. Pare-pareho tayong bumibisita rito. Ilan lang ang nakarating dito sa inyong konperensiya. This is apparently the one of the larger ones na na-conduct, apat na raan. Tinitignan ko nga pag pasok ko, tinitignan ko iyong mga streamer. Mukha talagang kampanya na. Mukha talagang marami ng bumibisita sa inyo na mga prospective candidate. Pero ang dating ko rito ay hindi bilang prospective candidate. Ako ay, although I am a prospective candidate, mabuti iyong announcer, sino po iyong nag-announce kanina? Mabuti pa iyong announcer kanina, alam na niya iyong tatakbuhan ko. Ako hindi ko pa alam. Kaya’t siguro, kasi buong araw, kausap ko mga friends, marami akong pinanggalingan, galing din ako sa mga school at pinag-uusapan naming alam niyo naman iyong mga mainit na issue ngayon. Iyong tungkol sa Bangsamoro Basic Law. Ito’y pinapaliwanang ko pati sa kabataan. Dahil pinapaliwanag ko sakanila kahit na mga tiga Cebu, kahit na sa lahat ng school na pinupuntahan ko, ay sinasabi ko sakanila na kahit sa palagay niyo ay malayo kayo sa Mindanao ay dapat maunawaan niyo ang aming ginagawa dito sa ating peace process sa Bangsamoro. Kaya’t pinapaliwanag ko kung ano iyong mga issue at kung ano iyong sitwasyon ngayon sa Senado at ang sitwasyon ngayon sa Senado ay hindi ko alam kung nabalitaan na ninyo.

We are joined here by my good friend although matagal ko ng hindi nakikita and the good Governor, Governor Pimentel, Governor of here to come and join us. In any case iyong pinapaliwanag ko iyong nangyayari, siguro alam na rin ninyo na ang nangyari sa BBL dahil ang BBL na binigay sa amin, pinalitan ko. Ginawan ko ng substitute bill. Ginawa ko, lahat ng mga unconstitutional, ay binabago ko. Lahat ng mga probinsyon na hindi dapat na nailagay doon, (dahil sa sharing, dahil sa autonomiya, ay bago itong ginagawa natin? ay inayos namin. Kaya ito’y aming pinag-uusapan sa Senado ngayon pati na din sa House of Representatives. But as I said, ang punta ko rito ay hindi bilang kandidato, kung hindi bilang isa iyong Chairman ng Committee on Local Government sa Senado dahil ako ang namamahala sa lahat ng local government issue na talaga naman iyong tawag diyan ay “Marcos Weather”. “Marcos Weather” ibig sabihin ulan ng ulan hangga’t dumating ang pagsasalita, nawawala iyong ulan. Ito baliktad, walang ulan hangga’t walang nagsalita, umulan na.

In any case ang sadyo ko lang dito ay para mag-report sa inyo kung ano iyong ating ginagawa dito sa committee on local government sa Senado at ang report natin ay dahil nga marami tayong ginagawa na mga bagong batas para tulungan ang ating mga barangay oifficials. Para tulungan ang hindi lamang ang mga elected officials, kung hindi pati na ang mga barangay volunteers. Dahil ito, ginawa ko ito dahil sa aking naging experience bilang Gobernador, na nakita ko na talaga naman, na kung wala ang mga barangay officials, kung wala ang mga barangay volunteers, ay hindi mararamadaman ng taong bayan kung ano man ang serbisyo na dinudulot ng ating gobyerno, ay hindi mararamdaman ng taong bayan, kung hindi sa inyo. At kayong front liner, kayong nakakaalam tungkol sa sitwasyon kaya’t you are a very important part of the government. Kayo ang humaharap sa taong bayan. Kaya’t lagi naming sinasabi, lagi ko ipinapaalala pati sa mga kapwa nating Senador, na kailangan natin kalimutan, kailangan baliktarin natin ang ating pag-iisip. Dahil ang nangyayari sa ngayon kayo mga barangay officials ang lumalapit sa mga matataas, nakikiusap at humihingi ng tulong. Dapat baliktad. Dahil para sa amin lahat ng aming ginagawa, kung hindi sainyo, ay wala ring umaabot sa baba. Kaya’t dapat kami ang nagpapasalamat sa inyo at kami ang humihingi sa inyo ng pabor at sa inong tiyaga, sa inyong sakripisyo.

Kaya’t iyon ang naramdaman ko bilang Gobernador kaya’t sinisikap ko na gumawa ng paraan para kilalanin ang halaga ng inyong trabaho, ng inyong sakripisyo. Ang nakita ko kaagad kaya very soon after naging local government Chairman ako sa Senado ay nakita ko kaagad, na ang nirereklamo ng ating mga barangay official, well first of all, I’m sure una sa tanong ninyo. May postponement ba? Wala. Walang postponement. Alam niyo kung bakit? Hindi ko nga maintindihan. Noong unang nangyari ay sumulat ako sa DILG, si Sec. Mar nga ang tinanong ko kasi nagtatanong ang Liga kung mayroong postponement tapos ang Liga may proposal iyong tungkol sa change of terms at saka sa term limits. Ang proposal ng Liga was 3 terms, 5 years. 5 years and tatlong termino. At iyon ang pinropose ko tapos sabi ko, i-postpone narin natin para maging 5 years na iyong sa kasalukuyan. Iyon ang sinulat ko. Ang bumalik na sagot galing sa DILG, galing kay Secretary Mar Roxas, ay sabi niya sa akin, sabi iya payag naman daw, payag sila sa 2 terms na tig fa-five years. Pero ayaw talaga ni Pangulo na mag-postpone ng eleksyon. Kailangan daw ipagpatuloy sa Oktubre after the national and local election. So sabi namin kung ganoon, wala tayong magagawa, pero isinimulan na namin ang pagsulong ng batas para maging 5 years na ang term ng ating mga barangay elected officials at maging 2 term limits. At habang tumatagal ang panahon, nagbago yata ang isip ng ating pamahalaan dahil noong nakarinig ako ng mga announcements, na sinasabi na tuloy lang ang barangay election at hindi babaguhin ang term limits at saka iyong haba ng term. Sumulat ulit ako. Tinanong ko ano ba talaga ang position ng national government tungkol dito sa term limits at saka sa barangay terms. Ang sumagaot sinabi na nagbago na nga ang pag-iisip ng ating pamahalaan at sinabing wag na natin palitan. Pareho palang 3 years, 3 terms. Kaya’t medyo confused din ako dahil sa ngayon, hawak ko dalawang sulat, ibang sinasabi galing sa parehong tao. So that is the situation when it comes to the postponement of elections. Ganoon ang naging sitwasyon doon dito nga sa term limits at saka sa term. Kaya’t sa ngayon ay sabi ng Palasyo ay hindi daw puwedeng palitan ang term. Ang sabi ng Palasyo hindi niyo puwede palitan ang term limits at ang sabi ng Palasyo walang postponement, so hindi tayo napagbigyan.
So naghanap nalang ako sabi ko sayang kawawa naman ang ating mga barangay officials, alam ko naman na marami sakanila ay matagal ng nag-seserbisyo. Pero parang hindi natin kinikilala ang kanilang binigay na serbisyo sa atin. That is something that I said. Hindi tama iyon dahil marami tayong, alam kong marami kaming, lalo na sa national government, marami kayong natatanggap na mga sulat, na mga circular na sinasabing may bagong function, kung ano-anong pinapagawa sa inyo. Tapos wala naman kayong, kagaya sa ibang government official na kasama sa GSIS dahil ang GSIS ay kailangan 15 years ang requirement. Pangalawa, noong tinanong naming sa GSIS bakit wala iyong mga barangay officials ang kanilang paliwanag ay dahil ang barangay officials hindi tumatanggap ng sahod. Ang barangay officials ay tumatanggap ng honorarium. Kaya’t hindi sila qualified na kasama sa GSIS. Kako, papaano naman iyan, pareho iyong serbisyo nila sa lahat ng mga government officials. Iyong mga iba napagbibigyan ngunit iyong ating barangay officials na kung minsan nalalagay sa alanganin. Marami nga tayong pinapagawa. Halimbawa kapag may bisita, lalo na parating may eleksyon, kayo nanaman ang iipitin noong mga iba’t-ibang kandidato. Kung ano-ano nanaman ang hihingin sa inyo. This is all going on without any recognition sa ating mga barangay officials. Aming naisip tinignan namin kung papaano makatulong. At ang aming nakita na pinaka siguro madaling na magawa kagad ay iyong tinatawag namin na “Barangay Retirement Benefits for Barangay Officials”. At nagsulat ako ng isang batas na nagsasabi na kapag kayo ay nakapag silbi na ng tatlong term at kayo ay 60 years and above, pag-retire ninyo, mayroon kayong benefits na tatanggapin sa gobyerno. Ngayon, isinama ko na rin, hindi lamang ang barangay chariman, barangay kagawad, kung hindi pati na ang mga barangay volunteers. Pati mga lupon, pati mga daycare, pati barangay headquarters. Sinama na naming iyan para sa mga barangay officials na pagbigay ng retirement benefits. At iyong bigay ng retirement benefits, kukunin namin ito dahil, sinasabi kukunin nanaman ninyo sa ERA, kulang-kulang na nga iyong ERA, kaya’t ang ginawa namin sa ERA share ng national government. Hindi ko kinukuha sa local government. So iyong kuwarenta persiyento ng local government hindi mababawasan. Nakalagay sa batas 1% of the 60% share, ERA share, ng national government, iyon ang ipambabayad natin dito sa benefits program para sa ating mga barangay workers, barangay elected officials at saka barangay volunteers. At sa ngayon ay na-i-sponsor ko na, na-sponsor ko na sa Senado, inaantay namin iyong eversion ng House of Representatives at ito ang aming ginagawa, pagbibigay ng pagkikilala ng halaga para sa Barangay more or less dahil kailangan palitan, kasi 1% nalang per year pabago-bago. Pero more or less ang maibibigay, ang nakalagay doon sa batas from the barangay chairman, ang retirement benefit isang daang libo hanggang sa barangay volunteers na limampung libo. So P100,000 to P50,000 para lahat sa ating mga barangay officials and hopefully malapit na, maipapasa na ito. Siguro iyong mga ibang mag re-retire dito, mararamdaman nito, maikokolekto ninyo ang inyong barangay retirement benefits. Kaya naman ito ang aming ginagawa para kilalanin ang napaka importante na tinatarabaho sa ating barangay.

Alam ninyo, na napaka halaga sa akin ang mga bara-barangay. Bakit? Kung maaalala niyo, saan nang galing iyong barangay na iyan? Ang unang nagtaguyod ng barangay, unang nakagisnan ay ang aking ama na si Pangulong Marcos na sinabi niya na, the smallest political unit in the Philippines is the barangay. At kailangan na kailangan, dati mayroon tayong baryo, diba mayroon tayong baryo, baryo captain. Pero hindi ito formal.

Parang informal lang na arrangement pero iyong ginawa ng aking ama, ay kinlalala niya kung gaano kaimportante na dapat ang gobyerno ay nararamdaman kahit sa pinaka maliit na sityo ay mararamdaman ng taong bayan na nandiyan ang gobyerno tumutulong, at nagbibigay ng halaga sa lahat ng ating mga mamamayan. At maramdaman naman na ang gobyerno ay umaalalay sa lahat ng mamamayang Pilipino. That is why I consider it very important dahil sa istraktura ng ating pamahalaan ngayon palagay ko ay hindi nating kayang paandarin ang ating gobyerno kung wala ang barangay. The way that they have structured our government means that it needs to have at the barangay level, we need to have a political unit na siyang namamahala doon sa area ng isang barangay.

And that is why we are continuing to work hard, lahat itong mga benepisyo na sinasabi ko ay itunutulak namin, ipinaglalaban namin, at siguro naman ay pagbibigyan tayo sa darating na Kongreso. Dahil ang Congress ngayon, matatapos kami. Kayo hindi kandidato, kami lahat kandidato kami, kaya matatapos ito by June. So siguro naman by June baka makita na natin na mayroon na tayong maipagmamalaki na Barangay Retirement Benefits Bill para ma-i-regalo sa ating mga barangay officials at para sa ating mga barangay volunteers.

At marami pang iba’t-ibang bagay ang aming ginagawa. Mayroon kaming ginaagwa para palakihin ang ERA ng local government. Sinasabi nga namin na dapat madagdagan ang ERA para lahat ng local government unit at sinasabi nga namin na dapat madagdagan ang era, para lahat ng local government units ay mayroon naming magamit. Maroon naman magamit para sa kanilang trabaho. At isa sa proposal na nilalapit namin ay iyong sharing ng era. Imbis na 60/40 gusto naming gawin 50/50. Para 50% sa local government, 50% sa national government. Ito’y hinihingi natin sa Palasyo, sa ngayon ay hindi pa pumapayag. Pero basta’t nandiyan kayo at paulit-ulit nating banggitin sa kanila para makumbinse natin na dapat naman, na karapat-dpat naman na iyong 50/50 na iyong ERA.

Bukod pa doon ay mayroon pa kaming ginagawa na pandagdag sa ERA sa pamamagitan ng pagbabago ng formula, na sa pagkakulang ng ERA share sa local government. Maraming sinasabi, dahil ang interpretation ng DBM sa ERA share, sinasabi nila na 40% ang ERA share ng LGU pero ang kinukuha lang nila iyong koleskyon ng BIR. Pero kung titignan ninyo sa batas, national collection ang nakalagay doon sa local government code, 40% of the national collections will go the local government. Iyan ang nakasulat sa Local Government Code. Ang interpretasyon na ginawa ng DBM ay sinabi niya ang ibig sabihin lang niyan iyong internal revenue. Iyon lamang ang kalkulasyon. Ngunit ang definition ng national collection sa BIR mismo ay lahat ng koleksyon pati na iyong customs. Pati iyong VAT lahat ito’y dapat isama. Pero kinalkula namin kung maisama na pati na iyong koleksyon ng customs, lahat na ng koleksyon ng buong gobyerno ay isama. Every year may dinagdag na 92 billion ang magiging ERA share ng local governments. Kaya’t alam naman natin ang local governments kailangan na kailangan lahat ng ito dahil iyong pondo ng lahat ng local governments ay napaka liit, at kulang na kulang.

Medyo mahirap ang aming ginagawa dahil mayroong polisiya yata ang gobyernong ito na kung may pondo at pagpipilian kung ilalagay sa national government o ilalagay sa local government ay laging kinukuha at kinukuha lagi ng local government at kinukuha lahat at dinadala lahat ng pera sa national government. Hindi napagbibigyan ang local government na siyang talagang nangangailangan. Lagi nga naming sinasabi, iyong national government ang daming pinagkukuhaan ng pera iyan. Bakit iyong local government kung saan-saan na makakuha, kaunti lang ang koleksyon, dependent sa ERA, dapat naman ay pagbigyan natin. So as of now the policy of the government has not changed. In fact it has become even more severe because ngayon makikita natin.

I’m sure nararamdaman ninyo na lahat ng savings ng local government, kung mayroon man, ay kinukuha pa iyan ng national government at binabalik sa treasury. Pagka naman iyong mga project, ngayon lang yata tayo nakakita na pag may project, February palang, Marso palang ay ginagawa ng savings, kinukuha na ng national government. Hindi ko alam kung bakit nila ginawang policy ito dahil sa aking pananaw ay dapat talaga mauna ang local government dahil ang local government, kahit ano pang gawin ng national government, kahit gaano kaganda ang ekonomiya sa taas, iyong mga mayayaman, ay kung hindi madevelop ang ekonomiya sa classrooms ay wala ring mangyayari sa atin. Dahil lahat iyong mga naririnig natin, naririnig natin na ang ganda ng ekonomiya, ang dami-daming pumapasok na pera sa Pilipinas, 7% growth, kung ano-anong mga magagandang numero pero hindi nararamdaman sa ilalim. Kailangang gawan natin ng paraan ang mekanismo para iyong yaman na iyan pumunta sa taong bayan. Pumunta sa mas nangangailangan sa lahat and that is again sa countryside level.

At dahil mayroong ang economic theory na kanilang sinasabi basta’t yumaman iyong mga mayayaman, bababa din iyong perang iyan. Hindi totoo iyon. Hindi nangyayari iyan. Iyang tinatawag na “Trickle-Down Theory”, na basta’t may yumayaman, baba at baba iyong perang yan at mararamdaman ng taong bayan. Marami nga tayong naririnig na magandang economic na report, na statistic, na magandang takbo ng ekonomiya ngunit naghihirap padin ang tao. Mayroon lang tayong narinig kaninang umaga, na sa tatlong kalahating milyon na batang Pilipino ay gutom. Hindi naman iyan nakakahiya masyado. Ito’y mga anak natin, ito’y mga pamangkin natin, ito iyong mga apo natin sinasabi 3 to 3 and a half million of Filipino children are starving and that for me is a very clear indication na hindi bumababa. Kailangan natin gawan ng paraan para bumaba ang kayamanan ng Pilipinas at maramdaman ng pangkaraniwan na ating mamamayan. Kaya’t ipagpapatuloy namin na gumawa ng lahat ng paraan para naman ay kung mayroon man kagandahan at may progreso man sa ating ekonomiya ay mararamdaman ng mga countryside, sa ating bara-barangay, kahit na sa pinaka maliit na sityo ay masasabi nating umaabot. At sa alam naman ninyo ay itong lahat ay aming ginagawa at pagpatuloy kong gagawa habang ako’y nandito bilang Chairman ng local government sa Senado. Since napag-usapan narin natin ang pulitika at ang kampanya siyempre alam na natin, maraming kandidatong lalapit sa inyo. Magpapatulong, maraming mangangampanya sa mga lugar ninyo. Ang aking lang payo sa inyo siguro ay simple lang. Tignan niyo ang record ng mga lumalapit sa inyo. Tignan niyo kung ano ang kanilang mga karanasan at kung sila ba ay suportado nila ang local government. Kung sila ba ay sumusuporta sa mga barangay. Kailangan ninyong tignan kung talgang totoo na sila ay inuuna at binibgyan ng karangalan ang trabahong ginagawa ng mga local government units ng mga barangay officials. Dahil kung hindi maging maganda ang sitwasyon sa ilalim kahit na ano pa ang mangyari sa taas ay hindi parin natin masasabi na nagbibigay tayo ng serbisyo.

Kaya’t tignan ninyo ng mabuti at hindi niyo ginagawa ito, dahil sasabihin ng mga iba, pinipili lang ninyo na matulungan ang mga sarili ninyo. Hindi totoo iyan. Siyempre mas maganda na mayroon kayong mga hawak na mas malaking pondo na dumadating sa inyo. Lahat aaminin nating lahat iyon, siyempre mas magandang marami kaming nagagawa. Pero hindi niyo ginagawa ito para sa inyong mga sarili. Ginagawa ninyo ito para sa ating bayan. Dahil kung maganda ang pag distribute, pagpaabot ng kayamanan, ng serbisyo, at ng tulong ng ating gobyerno, ay ito ay magpapatibay sa ating bayan. Ito’y magpapatibay sa Pilipinas. Ito’y magpapatibay sa ating ekonomiya. Sa serbisyo ninyo ito na makapagpili ng mga ipaglalaban ang mga pangangailangan ng ating mga barangay officials ng ating mga local government units. Iyon na sa palagay ko ang pinaka importanteng kailangang baguhin natin ang pag-iisip ng ating mga matatas na opisyal. Baguhin natin ang pag-iisip at bigyan ninyo ng prioridad ang mga local government units lalong-lalo na ang ating mga barangay officials, ang ating mga barangay volunteers, na araw-araw na humaharap sa taong bayan. Araw-araw kausap ang pang karaniwan na mamamayan na siayng nagtatanggap ng lahat ng reklamo. Ng lahat ng batikos. Lahat ng problema. Kayo’y humahrap at kailangang kilalanin ng mga kung sino man na nagkakampanya para sa mga matatas na posisyon. Huwag niyo pong kakalimutan iyan. At pagka nangyari iyan na mailagay natin ang mga talagang tumutulong sa barangay, ang mga tumutulong sa local government, makikita ninyo hindi lang ang mga bara-barangay ninyo ang gaganda kung hindi ang buong Pilipinas. Ito ay isang serbisyo na magagawa ninyo para sa ating minamahal na Pilipinas. That is my advice for this campaign. Alam po ninyo na ako ay nandiyan bilang inyong representative sa Senado at ipagpapatuloy natin ang trabaho upang mabigyan ng pagkikilala ang ating mga barangay official at mabigyan din ng kaunting tulong kayong lahat. Maraming salamat at magandang hapon sa inyo.

Back to Blog