Join the campaign (Learn More)

Police Files Tonite : Sa reklamong ‘di anak ni Marcos…PETISYON VS BBM IBINASURA NG COMELEC

News & Interviews
5 January 2022

By Police Files Tonite

IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec) ang isang petisyon laban kay presidential aspirant at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kinumpirma ni Comelec Spokesman James Jimenez na kanilang ibinasura noon pang Disyembre 2021 ang petisyon na inihain ng independent presidential aspirant na si Tiburcio Marcos.

Nakasaad kasi sa petisyon nito ang pagkuwestiyon sa tunay na pagkatao ng dating senador kung saan sinasabi nito na ang tunay na Marcos Jr. ay pumanaw na noon pang 1975.

Matatandaang unang ibinasura na rin ng Comelec ang petisyon ng tumatakbo rin sa pagkapangulo na si Danilo Lihaylihay na nagpapakansela sa certificate of candidacy ni Marcos Jr.. (Josephine Patricio)