Join the campaign (Learn More)

Police Files Tonite : Sa pagpapakansela sa kanyang kandidatura: DISQUALIFICATION PETITION PREDICTABLE NUISANCE! – MARCOS

News & Interviews
3 November 2021

By Police Files Tonite

NAKAHANDA umano ang kampo ni dating Sen. Bongbong Marcos na sagutin ang inihaing disqualification case sa Commission on Elections (Comelec) ng isang grupo.

Nitong Martes, Nobyembre 2 ay nagsampa ng petisyon ang mga grupong binubuo ng mga political detainees, human rights at medical organization.

Ayon sa abogado ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez, sasagutin nila ang umano’y “predictable nuisance petition” sa tamang oras at forum matapos matanggap ang kopya ng petisyon.

Tumanggi nang magkomento pa si Rodriguez sa umano’y isa na namang propaganda at gutter politics at naka-focus ang kanilang kampanya sa nation building.

Nakasaad sa petisyon na hindi karapat-dapat na tumakbo sa ano mang posisyon sa gobyerno si Marcos matapos na hatulan siya ng Quezon City Regional Trial Court noong 1995 dahil sa bigo itong maghain ng income tax returns.

Sa desisyon ng Court of Appeals (CA) noong Oktubre 31, 1997, nakasaad ditong bigong makapaghain si Marcos ng kanyang income tax returns mula 1982 hanggang 1985.

Bagama’t inalis ng CA ang parusang pagkakabilanggo sa dating senador at pinagmulta na lamang ito at inatasang bayaran ang kanyang buwis. (Josephine Patricio)