Join the campaign (Learn More)

Police Files Tonite : PATI SA POL ADS ANGAT SI BBM

News & Interviews
9 January 2022

By Danny Simon | Police Files Tonite

MILYA-milya na ang abante ni Ferdinand ‘Bongbong Marcos,Jr.kumpara sa ibang presidentiables para sa May 2022 polls.

Kumbaga sa basketball, first quarter pa lang ay tambak na ng double digits ang kalaban.

Sari-saring pakulo, may bait-baitan, may tapang-tapangan,may namumod ng pera, may pasiklab,may walang kakwenta-kwenta kaya sa lahat ng naturang pakulo, ang plataporma lang ni BBM ang makatotohanan at walang halong bola.

Kahit daanin mo sa kalye survey, organized survey pulsong bayan at kahit sa caravan, angat na angat ang anak ng Batac sa Ilocos Norte na si BBM.

Maging sa political advertisement sa mainstream at social media, tanging ang pol ad ng dating Senador na si Bongbong ang komprehensibo at ramdam mong totoo ang nilalaman mula sa puso nito

Paano mo naman paniniwalaan ang ads ng isang presidentiable na pinklawan na masyadong minamaliit ang dunong ng mga botante. Magtataggol at ipaglalaban daw niya ang manggagawang Pilipino eh bakit hindi niya ginawa noong bise pa siya. ?Ang inatupag niya ay hanapan ng mali ang gobyernong kinabibilangan niya.

Kaya lang siya tumakbong pangulo ay akala niya’y kaya niyang talunin upang mapigil ang iminenteng pagluklok sa Malacañang ang idolo ng masang si BBM. Hindi ang bayan ang kanyang layuning tulungan kundi ang interes ng partidong dilawang kinabibilangan.

Eto Namang pasiklab na si Yorems na gustong maging lopangu, sari-saring kakenkoyan ang pakulo sa kanyang anunsiyo.

Pero ang pinaka-OA ay ang pagsasalarawan ng buhay isko’water na sobrang hirap dahil suwerte na kung may kapeng mahihigop sa almusal at ulam sa kanin habang naka-kamay ma kumakain sa mesang walang kubyertos.

Paglabas niya sa entreswelong iyon na sala na kusina pa ay salubong ang mga tambay sa lugar na iyon na sobrang ingay na pinalala pa ng sirena ng mobile patrol sabay hablot ng damit sa sampayang di naman sa tapat ng bahay niya at kain ng fishball habang nakasakay sa ‘padyak’ na mistulang ipinagyabang na iyon ang mode ng transportasyon sa kabiserang lungsod. Buong akala ng mga nakatunghay sa ads na iyon na ganoon kahirap ang buhay sa siyudad ng mga tundominyum.

Ano ang nais iparating na mensahe ni Yorem sa anunsiyong iyon? Pinahiya niya lang ang kanyang dating konstituwente na nabubuhay sa magulong paligid na iyon hangga ngayon. Akala niya ay award- winning ang piyesanv iyon na hahatak ng boto at maghahatid sa kanya sa Palasyo mula entresuwelo.

May anunsiyo namang nangu-ubos ng magnanakaw at corrupt sa pamahalaan. Lumang tugtugin na iyan…gayahin niyo si BBM …hindi OA ang AD kaya pulling away!!!