Police Files Tonite : Caravan ni BBM sa Cavite, dinumog

13 February 2022

By Ronald Bula | Police Files Tonite

WALANG mapag-sidlang ng saya ang naramdaman ng mga Caviteño nang makita nila ng personal ang iniidolong pambato na si presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. nang magsagawa ito ng caravan sa lalawigan ng Cavite kamakailan.

Nagsimula ang caravan sa Suntrust Ecotown, Brgy. Sahud Ulan, Tanza, Cavite, kung saan unang binaybay ni Marcos kasama si Cavite 7th District Representative Boying Remulla at Governor Jonvic Remulla ang mahabang kalsada na nagdudugtong sa Brgy. Sahud Ulan papunta sa Brgy. Daang Amaya.

Habang tumatakbo ang sinasakyan ni Marcos ay kapansin-pansin na dumarami ang mga nag-aabang sa mga kalsada, panandalian nahinto ang mga ilang manggagawa sa kanilang ginagawa nang malaman na si Marcos ang nasa caravan.

At sa isang iglap ay bigla na lang nadagdagan ang bilang ng mga taong naghihintay sa bawat kalsada at kanto para lamang makita, makamayan at makunan ng larawan si Marcos, ang iba ay nagpa-autograph din.

Dumadagundong din ang hiyawan na “BBM! Marcos pa rin!” na may kasama pang peace sign na siyang simbolong hand signal ng UniTeam.

Kabila-kabila rin ang mga tarpaulin at mga maliliit na watawat na iwinawagayway ng mga Caviteño sa bawat lugar na nadaraanan ng caravan.

Sumabay din sa sigawan ang mga malalaking truck at ibang sasakyan na nakatono ang kanilang pagbusina sa pagsigaw ng mga tao ng “BBM! BBM!” habang may mga naglabas din ng megaphone, ilang mga bahay din ang naghanda ng speaker sa kanilang harapan habang tumutugtog ang “Bagong Lipunan.”

Pansamantalang nagpahinga sa Bayleaf Hotel, sa Gen. Trias City ang kampo ni Marcos kasama ang ibang kalahok ng UniTeam, nagkaroon ng maikling salo-salo na dinaluhan ng mahigit 20 (dalawampung) alkalde at iba pang opisyal ng bawat lungsod sa Cavite.

Pagdating ng bandang ala-dos ay balik kalsada ang caravan at muling sinuyod ang ilang bahagi pa ng Cavite, hindi pa man nakakalayo sa Bayleaf Hotel ay dinumog na ng mga nagmamahal kay Marcos ang ilang daanan dahil sa sabik na masilayan ang kanilang future president.

Hindi nagpatinag sa init ng araw, hindi pinansin ang alikabok na hatid ng kalsada, nagbingi-bingihan sa ingay ng mga busina, iyan ang ilan sa mga binalewala ng mga taong (Caviteño) tunay na nagmamahal kay Apo Lakay (Marcos).

At dahil sa galak hindi naman napigilan ng ilang taga-suporta ang maiyak, habang pinagmamasdan si Marcos.

Ibang klase ring suporta ang pinakita ni Lolo Rolly na naka-wheelchair na lumabas pa ng kanilang bahay para masilayan si Marcos, gano’n din si Ado na putol ang dalawang paa at nakasakay lamang sa isang kahoy na may gulong, todo hiyaw rin sa pangalan ni BBM.

Hanggang sa dulo ng caravan ay hindi pa rin magkamayaw ang mga tao, sinigurado nila na makikita nila si Marcos para maipahayag ang suporta sa kanya.

Kung susumahin, mahigit-kumulang sa isang milyong tao ang naghintay at nag-abang kay Marcos, dagdag pa ang mga libong bilang ng mga sasakyan na sumama sa caravan na kinabibilangan ng mga kotse, motorsiklo at bisikleta. Nagtapos naman ang caravan sa NIA Road.

Punong-puno ng pag-asa ang dala ni BBM sa mga caviteño!

Subaybayan natin ang mga caravan ni BBM sa iba pang lugar.

Abangan!

***

Para sa inyong mga suhestyon, reaksyon at opinyon mag-email lang sa [email protected]
Ugaliing makinig sa programang “BALYADOR” at “WALANG PERSONALAN TRABAHO LANG” mula lunes hanggang linggo 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing sabado at linggo 12:00nn-12:30pm sa DWBL 1242 kHz am band, tuwing martes 9:30am RADYO NATIN 105.3 FM Pinamalayan,10:00am RADYO NATIN 102.9 FM Victoria, tuwing biyernes 9;00-10;00am 98.9 FM RADYO NATIN Roxas, tuwing huwebes 9:00-10:00am sa 96.9 FM RADYO NATIN Calapan City at tuwing Biyernes 8:00-9:00am at Sunday 12:00nn-1:00pm sa DWXR 101.7 FM Mapapanood live streaming at Youtube chanel.