Join the campaign (Learn More)

Police Files Tonite : BONGBONG MARCOS NO.1 SA SURVEY NG 2 PAHAYAGAN

News & Interviews
10 November 2021

By Police Files Tonite

TULAD ng inaasahan, humataw na naman si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa magkahiwalay na survey ng dalawang pahayagan sa bansa.

Sa ikinasang survey ng Manila Times noong October 26 hanggang November 2 ngayong taon, tinanong ang mga respondent kung sino ang iboboto nilang presidente kung ang halalan ay gagawin sa araw na iyon.

Dito lumitaw na 68% ng mga respondents ang suportado si Marcos kung saan sumunod sa kanya sina Vice President Leni Robredo (10.8%), Manila Mayor Isko Moreno (7.9%), Sen. Manny Pacquiao (7.2%), Sen. Ping Lacson (2.5%), at Sen. Bato Dela Rosa (1.5%).

Namayagpag din si BBM sa Luzon (60%), Visayas (64.4%), at Mindanao (78%).

Sa hiwalay namang presidential survey ng pahayagang Manila Bulletin, nasa 1.1 million netizens ang tumugon dito kung saan higit 689,000 ang nagsabing si Marcos ang kanilang iboboto.

Nakakuha naman si Robredo ng 224,000 reactions habang si Moreno ay naka-211,000 reactions na sinundan ng iba pang kandidato na sina Dela Rosa (4,400), Pacquiao (2,800), at Lacson (2,300).