Join the campaign (Learn More)

Police Files Tonite : BONGBONG-BONG… GO!

News & Interviews
31 October 2021

By Police Files Tonite

NAMAMAYAGPAG sa pulso ng masang Pilipino ang ‘Bong to the third power’ partikular sa mga isinasagawang survey na transparent at hindi imbento o scripted.

Landslide ang bentahe ni dating Senador Bongbong Marcos na ihahalal bilang Presidente partikular ng mga ordinaryong mamamayan mula sa kalye, palengke, parke, restorante at iba pang pampublikong lugar kung saan ay naroon ang bulto ng mga bumoboto at potensyal na makakaluklok ng Pangulo.

Ngayon pa lang ay alikabok na ang sagap ng mga katunggali niya sa karera kaya iyong mga maaga pa lang ay desperado na , kung anu-ano na lang ang iniimbento upang siraan, gibain at pigilan ang pagbabalik sa Malacañang ng isang tunay na MARCOS na mukhang di na masasawata pa ang pagragasa ng tadhana nito para sa bansa.

Ganyan karumi ang pulitika ng oposisyon sa loob ng limang taon at mas malala pa ngayong panahon na ng eleksiyon.

Kaya kayong maruruming pulitiko, BASURA ang kasasadlakan ninyo.. MISMO!

Gayundin ang lakas sa survey ni Vice Presidentiable Sen. Bong Go.Numero uno siya bilang numero dos ng susunod na administrasyon. Hindi ito nakapagtataka dahil unang-una ay inendorso siya ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanilang partidong PDP Laban ( Cusi), Pruweba rin kasi ang mga nagawa ni Senator Bong Go para sa Pilipino sa lahat ng panahon simula ng kanyang termino, malayo man o malapit na ang eleksiyon.

Ang naging Senate Committee head sa Health at SPORTS ay walang sinayang na panahon sa kanyang bisyong mag-serbisyo sa mamamayan na nadama ang kanyang tunay na MALASAKIT sa buong kapuluan.

Kaya kung hindi magbabago ang ihip ng hangin, ang kasalukuyang Senador ay magiging Bise Presidente sa susunod na taon hanggang maging Pangulo ng kasalukuyang henerasyon higit anim na taon mula ngayon, Go Bong GO!

Kahit na anong demolisyon sa kanya ng desperadong oposisyon, lalo pang tumataas ang simpatiya sa pinaka-matapat na kasangga ng Pangulo at bayan. ABANGAN ang BONG3.. GO!

LOWCUT: Shoutout kay BBM ground frontliner Rafael Tolentino. Ngayon pa lang ay halos walang puknat na ito sa promosyon at pagpapakalat sa aniya ay magandang balita sa masang Pilipino -ang napipintong pagluklok ng batang MARCOS sa Palasyo upang ang bansa ay balik-asenso. Kailangan din aniyang maging vigilant 24/7 ang mga tao sa anumang tangkang pang-giba ng mga kalaban kahit na puro below the belt ang birada sa larangang ayaw tumanggap ng talo ang mga oposisyong salot ng lipunan,,, BANTAYAN!! Shoutout kay Ms.gorgeous lady Lyn Garzola diyan sa Navotas.Keep safe always.kudos to klasmeyt Ms Emie Sulay diyan sa Tarlac City na isang certified solid-BBM gayundin kay Phol Andes diyan sa Quirino-Taft, Malate, Manila at sa COLOUR KWIK Malate.