Join the campaign (Learn More)

Police Files Tonite : Basurang petisyon laban kay BBM

News & Interviews
6 January 2022

By Police Files Tonite

BINASURA uli ng Commission on Election (ComElec) ang isa pa sa sampung petisyon para sa disqualification ng kandidatura ni Presidential aspirant Bongbong Marcos Jr. (BBM).

Ito ay ang petisyon ng independent presidentiable na si Tiburcio Marcos mula sa Ilocos Norte.

Tama lang na ibasura ang petisyon ni Tiburcio dahil talagang basura ang laman nito. Sukat ba namang kuwestiyunin ang tunay na pagkatao ni BBM. Hindi raw ito ang tunay na anak ni late President Ferdinand Marcos. Ang tunay daw na Bongbong ay namatay noon pang 1975. Aray ko!

Hindi na bago itong isyu ni Tiburcio kay Bongbong. Noon pa man ay isyu na ito. At napatunayan na ni Bongbong na siya ay tunay na Bongbong na anak ng dating kinatatakutang Pangulo ng bansa.

Nauna nang binasura ng ComElec ang petisyon ng isa pang presidential aspirant na si Danilo Lihaylihay na wala ring kakuwenta-kuwenta ang isyung ibinabato kay BBM.

Dapat ibasura rin ng ComElec ang kandidatura nitong sina Tuburcio at Lihaylahay. Mga nuisance candidates or buwiset na mga kandidato ito eh. Hehehe…

Pero sabi ng ComElec, sa mga nalalabing petisyon laban sa kandidatura ni BBM, dalawa rito ay matibay, may laman, na ayon sa mga eksperto sa batas ay maaring hindi makalusot ang batang Marcos.

Isa rito ay ang petisyon ng grupo ng 1Sambayan nina retired Supreme Court Sr. Associate Justice Antonio Carpio, retired Associate Justice/ret. Ombudsman Conchita Carpio-Morales, dating Chief Justice Ma. Lourdes Sereno at dating Supreme Court spokesman Teodore Ty kungsaan pinakakansela nila ang Certificate of Candidacy (CoC) ni BBM dahil sa convicted ito sa Quezon City Regional Trial Court dahil sa tax evasion case, hindi pagbabayad ng tax sa loob ng apat na taon noong Gobernador siya sa Ilocos Norte.

Pero ang tax evasion case ni Marcos ay pinababa ng Court of Appeals, ginawang failure of income tax return (ITR) at pinagbabayad nalang siya ng multa. Pero ang kanyang conviction ay nanatili. Hindi narin kinontes ni BBM ang desisyon ng CA sa Korte Suprema. Nagbayad nalang daw ito ng mula base sa utos ng CA sa Bureau of Internal Revenue (BIR). Pero ang QC RTC ay walang rekord na nagbayad nga ng multa si BBM.

Ito ang pinagdedebatehan ngayon ng magkabilang kam-po sa ComElec.

Ang resolution sa kasong ito laban sa kandidatura ni BBM ay malalaman bago magsimula ang kampanya sa Peb-rero 8.

Sakaling matanggal sa presidential race si BBM, ang maari lamang pumalit sa kanya ay ang kanyang ka-apelyido, malamang si Senador Imee Marcos, sabi ng Chief of Staff ni BBM na si Atty. Vic Rodriguez. Subaybayan!

***

May bagong banat na naman ang “graduating president” na si Rodrigo “Digong” Duterte laban sa mga ayaw magpabakuna:

“Yung hindi nagpabakuna, bahala kayo. Kung mang-hingi kayo ng tulong sa akin, sabihin ko hindi ako magtulong sa inyo, hindi ka magpabakuna. Ngayon, kung mamatay ka bahala ka sa sarili mo.”

Sus! Kailan ba naging concerned ang pangulong ito sa mga mahihirap? Simula nang maluklok ito sa kapangyarihan puros pambubula at pambu-bully nalang ginawa nito sa maralita. Goodbye, Mr. President!