Join the campaign (Learn More)

Pilipino Star Ngayon : Spox ni Duterte, ‘best bet’ si BBM

News & Interviews
29 November 2021

By Mer Layson | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inanunsiyo ng dating tagapagsalita ng Malakanyang na si Herminio “Harry” Roque Jr., na ini-endorso niya si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa darating na halalan sa 2022.

Kasabay nito, sa isang liham na ipinadala ni Roque kay Marcos nitong Nobyembre 25, sinabi rin ng da­ting tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na tinatanggap niya ang alok ng partido ni Marcos na Partido Federal ng Pilipinas (PFP) para gawin siyang guest candidate bilang senador. “This is to accept the adoption of Partido Federal ng Pilipinas as guest candidate for senator and to endorse you, Sen. Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr., as candidate for president of the Philippines in the May 2022 elections,” ayon sa maiksing liham ni Roque.

Hindi naman ikinagulat ng marami ang hakbang ni Roque, dahil inaasahan na umano ng BBM-Sara Uniteam na marami pang susunod na personalidad ang mag-eendorso sa kanila na may alok na mapagkaisang pamumuno.

“Unity will make our country strong and stable. Let us not allow ourselves to remain divided by partisan politics after we have already installed new leaders in our government,” ani Marcos kamakailan.

Bukod sa dating ta­gapagsalita ng pangulo, naging mambabatas din si Roque, law professor at isang kilalang human rights advocate.