Join the campaign (Learn More)

Pilipino Star Ngayon : Sara at BBM umayuda sa Surigao

News & Interviews
30 December 2021

By Joy Cantos | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbigay kahapon ng P1-milyong cash at 1,000 sako ng bigas si Davao City Mayor at vice presidential aspirant Sara Duterte bilang donasyon sa mga bik­tima ng bagyong Odette sa Surigao del Norte.

Ang ayuda ni Duterte ay personal nitong iti­nurn-over kay 2nd District Surigao del Norte Rep. Robert “Ace” Barbers sa Siargao airport.

Kasabay nito, sa na­sabing event ay nagbigay rin ang ka-tandem ni Duterte na si dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., presidential standard bearer ng UniTeam ng P500,000 tulong pinansiyal at 2,000 sako ng bigas para sa mga biktima ng panana­lasa ng bagyo.

Personal na tinanggap ni Gen. Luna, Siargao Mayor Cecilia Rusillon ang ayuda ni Marcos para maipamahagi sa mga residenteng naapektuhan ng kalamidad sa kanilang lugar.

Ang BBM-Sara Uni­Team ay nagbigay rin ng portable solar panel system at isang water purifier system.