Pilipino Star Ngayon : Pinas ‘in good hands’ sa economic team ni Marcos

By Gemma Garcia | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa mabuting kamay umano ang bansa sa mga itinalagang economic team ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.,

Ayon kay acting de­puty presidential spokesman Kris Ablan, nasa mabuting kamay ang bansa dahil sa pagtatalaga sa mga bagong kalihim ng Department of Finance, Bangko Sentral ng Pilipinas, Department of Budget and Management (DBM) gayundin sa National Economic and Development Authorit o NEDA.

Itinalaga ni Marcos si Arsenio Balisacan bilang susunod na NEDA chief, Benjamin Diokno sa Finance department at dating UP President Alfredo Pascual bilang trade secretary.

Habang si Felipe Me­dalla na kasalukuyang moneatary board member ay magiging BSP governor habang wala pa naitatalaga si Marcos bilang bagong DBM secretary para makumpleto na ang economic team nito.

Ginawa naman ni Ablan ang pahayag ng tanungin tungkol sa plano ng gobyerno na bawasan ang P13 trillion utang bago bumaba si Pangulong Duterte sa kanyang puwesto sa Hunyo 30.

Pinuri rin naman ng grupo ng mga negosyante ang economic managers ni Marcos.

Tinawag naman ni Political economist Calixto Chikiamco ang economic team bilang “A-Team” sa business community dahil sa hindi nila matatawarang karanasan sa pagseserbisyo sa gobyerno.