Pilipino Star Ngayon : P20/kilo ng bigas, tutuparin ni Marcos

By Malou Escudero | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nangako si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tutuparin ang pangako na ibababa sa P20 per kilo ang presyo ng bigas habang binibigyan ng proteksiyon ang mga magsasaka.

Sinabi ni Marcos noong Huwebes na nakikipag-usap na siya sa ilang traders upang panatilihin muna ang presyo ng bigas sa kasalukuyang presyo.

“We need to form the value chain. I’m already in talks with several traders and asked them if it’s possible to hold the current prices for a few months. I think we’ll be able to do it as a first step,” ani Marcos.

“But in the long term we need to fix the value chain. Thats the only way to do it,” dagdag niya.

Ipinaliwanag din ni Marcos na isang mala­king hamon sa pagsasakatupan ng kanyang pangako ang tumatanda ng populasyon ng mga magsasaka habang wala namang interes na pumasok sa pagsasaka ang mga kabataan.

“Unfortunately farmers don’t want their children to become farmers too. To address this, we must employ new technologies, it has to be industrial farming to attract the youth to pursue careers in agriculture,” ani Marcos.

Sa kabila nito, tiniyak ni Marcos na poprotektahan ng kanyang administrasyon ang local agriculture industry sa gitna ng mga murang agricultural products na pumapasok sa bansa.