Pilipino Star Ngayon : Lucy, nanindigan sa desisyon

19 January 2022

By Lolit Solis | Pilipino Star Ngayon

Naawa naman ako kay Lucy Torres-Gomez nang sobrang i-bash dahil lang sa kanyang statement tungkol kay Bongbong Marcos. Tama naman siya, kahit sino walang makahahadlang ‘pag destiny ng isang tao ang isang bagay. Kung talagang nakaguhit sa palad ni BBM ang maging Presidente gaya ng ama na si Ferdinand Marcos, ano ang magagawa natin.

Ang tagal na nasa gob­yerno ni BBM, puwede naman siguro na i-judge siya sa sarili niyang ginagawa at hindi na doon sa mga naganap ng nakaraan.

Lahat binato na sa kanya, lahat ginagawa para hindi siya makatakbo, pero heto, parang mas lalo pa siyang pinapanigan ng tao. Let destiny decide, tutal naman maayos ang eleksiyon natin, demokratiko ang paraan, let the winner do the job.

Kung sino ang iboto ng tao, kung sino ang piliin nila, igalang natin, tanggapin natin.

Matatag ang paniniwala ni Sara Duterte sa kanyang tandem, maaaring tama siya. Huwag na nating isali pa sa galit natin pati ang gustong kumampi sa kanya. Hanga ako sa pagiging open ni Lucy sa pagpili kay BBM, nanindigan siya.

‘Malamig na panahon, may tamad factor!’

Talagang enjoy sa break ang team Take it… Per Minute Me Ganun, Salve.

Dahil na rin sa sobrang taas ng number ng mga may COVID, talagang two weeks na qua­rantine period ang karamihan sa staff kaya team replay muna ang followers natin.

Sabagay, kahit kami nina Cristy Fermin at Mr. Fu ay takot ding lumabas dahil nga ang bilis ng pagkalat ng Omicron, pero honestly miss na miss ko na ang ang Obra ni Nanay kung saan kami nagso-show. Dapat ding mag-thank you tayo sa nagbigay sa amin ng ref nina Cristy at Mr. Fu, at kay Catherine Amos ng Australia na nagpahabol talaga ng lucky envelope. Miss ko na rin ang lunch na niluluto para sa atin sa Obra... kaya sigurado next week magla-live na tayo.

Dahil sa haba ng bakasyon, parang nagkaroon ng tamad factor ang lahat.

Pero tuloy pa rin naman ang radyo nina Cristy at Mr. Fu, ako naman tuloy lang ang column at IG kahit kung minsan tinatamad din. Dahil siguro sa lamig sa umaga kaya ganun. Saka wala namang exciting nagaganap sa showbiz, kaya hayun, tinatamad lahat. Hah hah hah, don’t worry, kitakits tayo next week.