Pilipino Star Ngayon : ‘Lanao del Norte, 101% ang suporta kay Marcos’

27 April 2022

By Joy Cantos | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isandaan at isang (101) porsiyento ang ibibigay na suporta ng mga botante ng Lanao del Norte para sa kandidatura ni Partido Fe­deral ng Pilipinas (PFP) presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong “Marcos Jr. kaugnay ng nalalapit na pagdaraos ng May 9, 2022 national election.

Sa campaign sortie ng UniTeam, tiniyak ni Lanao del Norte Gov. Imelda “Angging” Quibranza Dimaporo na hindi nila bibiguin si Marcos sa landslide victory nito sa kanilang lalawigan.

“Lanao del Norte is really for BBM. Even our local political opponents are also supporting (him). I told BBM I’m so happy in Lanao del Norte because even our political opponents are supporting you and Mayor Sara,” pahayag ni Dimaporo

Sa panayam kay Dimaporo, ibinahagi nito kung paano sinuportahan ng mga taga-Lanao del Norte ang kanilang pamumuno na nagsimula sa kanyang ama na si Ali, na go­bernador ng lalawigan sa loob ng 38 taon
Ang dating gobernador ay kilalang taga-suporta ng ama ni BBM na ang yumaong si dating Pa­ngulong Ferdinand Edralin Marcos, na siyang nanguna upang magkaroon ng mapayapang ugnayan sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano sa rehiyon dahil sa mga ginawa nitong reporma at programa.

Ayon kay Dimaporo, sinusuportahan niya si Marcos hindi lang dahil sa magandang relasyon ng kanilang mga pamilya kundi dahil sa kaalaman at matagal na nitong pagseserbisyo publiko.