Pilipino Star Ngayon : Ibangon ang sector ng agrikultura

By Artemio Dumlao | Pilipino Star Ngayon

Kailangan ng Department of Agriculture (DA) ng mga pinuno na subok ang kakayahan at talino para maibangon ang agrikultura.

Para maibangon ni presumptive president Bongbong Marcos Jr. ang sector ng agrikultura, kailangang pumili siya ng karapat-dapat na tao na mamumuno sa DA.

At isa si Joey Balingit Ortega, Regional Director ng Die­thelmKellerSiberHegner, isang Swiss holding company na nara­rapat sa puwesto.

Ayon kay Ortega, dapat tutukan ang pagpapababa ng presyo ng pagkain lalo na ang bigas gaya ng pangako ni Marcos­ Jr. Rebisahin din aniya ang Rice Tarrification Law (RTL). Suriin ang mga benepisyo nito sa pamamagitan ng pagpapababa sa production inputs ng mga magsasaka gaya ng binhi, iri­gas­yon, pagbobodega, transportasyon at pataba.

Idinagdag pa ni Ortega na karamihan sa mga magsasaka ay hindi nagbebenepisyo sa pag-unlad ng ekonomiya­ dahil sa baluktot na sistema ng agrikultura. Limitado aniya ang pagpaplano sa produksyon. Ang ayuda ng pamahalaan­ sa agrikultura ay hindi mahusay. Hindi umano naaayon ang tek­nolohiya para pagbutihin ang supply chain mula pro­duksyon hanggang pagbebenta. Limitado rin ang pagkoko-­­operatiba ng mga magsasaka at mangingisda.

Nangangailangan ang mga magsasaka ng suporta ng pamahalaan upang maibaba ang production cost. Bigyan ng ayudang pinansiyal upang maputol ang pagsasamantala ng mga middlemen na nagpapautang sa mga magsasaka na may malaking interes.

Higit sa lahat ayon pa kay Ortega, kailangan ng modernong kaisipan para makabangon ang sector ng agrikultura. Kailangan ang mga magsasakang sapat ang kakayahan upang pangalagaan ang proseso ng supply chain mula production, manufacturing, packaging, warehousing, marketing at distribution ng agri products.