Pilipino Star Ngayon : Bicol Region groups, binuhos ang suporta kay Duterte at Marcos

5 April 2022

By Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Taliwas sa lumalabas sa social media at ibang pahayagan, buong puwersang lumantad ang mga supporter leaders ng BBM-Sara tandem kahapon sa Naga at Legaspi City ng Bicol Region.

Sa pinagsanib na pu­wersa ng Chosen Countrywide Leaders Inc. (CCLI) at BBM-SARA alliance, sinugurado ng mga ito na mas mananaig ang kalamangan ni presidential daughter at Vice President aspirant Davao City Mayor Inday Sara Duterte at presidential aspirant former Senator Bongbong Marcos Jr. sa darating na eleksyon maging sa Bicol Region.

“We are now all-out for Inday Sara and BBM. Gusto namin ipakita ang tunay na kulay ng Bicol. Berde at Pula, wala ng iba,” pahayag ng Jovie Roa, isa sa opisyales ng BBM-Sara alliance sa Bicol.

“Malalaman na sa eleksyon ang katotohanan. Magbabantay kami hanggang matapos ang bilangan. Ito ay para sa ating bansa at bawat mamamayan,” pahayag ng isang suporter na napa­balitang malapit na kapamilya ng isa ring tumatakbo sa pagka-pa­ngulo sa halalan.

Ang CCLI at BBM-SARA alliance ay isa sa malaking grupo sa buong Pilipinas na naging mala­king tulong sa pagkapanalo ni Presidente Rodrigo Duterte noong nakaraang presidential election.