Join the campaign (Learn More)

Pilipino Star Ngayon : BBM-Sara namayagpag sa OCTA survey

News & Interviews
27 December 2021

By Mer Layson | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy ang pangu­ngu­na ng tambalan nina presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. at vice presidential bet Davao City Mayor Sara Duterte, ng muling magtala ng ‘double-digit lead’ sa pinakabagong OCTA Research pre-election poll na isinagawa noong December 7-12. 

Katulad ng nagdaang resulta ng OCTA Research survey noong nakalipas na 2 buwan, halos ganito rin ang kinalabasan nang makakuha si Marcos ng 54 percent na boto, habang malayong nakasunod sa kanya si Vice Pres. Leni Robredo, 14 percent.

Si Isko Moreno, 12%; pang-apat si Manny Pacquiao, 10%, at Ping Lacson 5%.

Namayagpag si Marcos sa buong National Capital Region sa 37%, malayo sa 7% ni Robredo.

Sa Luzon ay may 57% votes si Marcos; 50% sa Visayas at 63% sa Mindanao habang si Robredo ay 8%.

Sa socio-economic class ABC, impresibong 63% ang nahakot ni Marcos, habang sa class D ay 55% at sa class E bracket ay 46%.

Tinanong ang mga respondents na kung gaganapin ngayon ang eleksiyon, sino sa kandidato sa pagka-presidente ng Pilipinas ang kanilang iboboto. Nasa 5% naman ang ‘undecided’ mula sa 1,200 respondents.

Samantala, sa vice-presidential race, ‘runaway winner’ din ang running mate ni Marcos na si Davao City Mayor Sara Duterte na may 50%, at 33% sa katunggaling si Sen. Tito Sotto.