Join the campaign (Learn More)

Pilipino Star Ngayon : BBM qualified na tumakbo sa pagka-presidente - law expert

News & Interviews
13 December 2021

By Mer Layson | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginiit ng isang law expert na kwalipikadong tumakbo bilang pangulo sa halalan sa 2022 si Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., at ang petisyon para kanselahin ang kanyang Cettificate of Candidacy (CoC) ay mahina at walang legal na basehan.

Sa kanyang isinulat na opinyon, sinabi ni Atty. Emmanuel Samonte Tipon, isang US-based Filipino lawyer, at dean ng Northwestern University College of Law, na wala umanong kwestiyon na nakasunod si Marcos sa lahat ng requirement na kailangan sa ilalim na Article VII, Section 2 ng 1987 Constitution na nagsasabing, “No person may be elected President unless he is a natural-born citizen of the Philippines, a registered voter, able to read and write, at least forty years of age on the day of the election, and a resident of the Philippines for at least ten years immediately preceding such election.”

Idinagdag pa ni Tipon na ang sinasabi sa Section 12 ng Omnibus Election Code of the Philippines na “Any person who has … been sentenced . . .for a crime involving moral turpitude, shall be disqualified to be a candidate and to hold any office,” ay hindi umaayon sa 1987 Constitution kaya hindi umano nito saklaw ang “eligibility requirement” para sa pagka-pangulo.

Iginiit pa ng abogado na hindi pwedeng ma-disqualify si Marcos sa ilalim ng Section 12 ng Omnibus Election Code (OEC) dahil lamang sa utos ng korte na pagmultahin ito sa hindi pagpa-file ng income tax returns at hindi rin ito maitutu­ring ng krimen na may “moral turpitude.”