By Joy Cantos | Pilipino Star Ngayon
MANILA, Philippines — Napanatili ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang malaking kalamangan sa lahat ng isinagawang nationwide survey ng mga respetadong survey firm sa bansa.
Base sa OCTA Research Tugon ng Masa survey nitong Abril 2-6 na ipinalabas nitong Linggo, nakakuha si Marcos ng 57% voter preference mula sa 1, 200 respondents o pagtaas ng 2% kumpara sa kanyang 55% nitong Pebrero 2022.
Nananatiling nasa malayong pangalawang puwesto si Leni Robredo na may 22%, Isko Moreno 9%, Manny Pacquiao 7%; at Ping Lacson, 4%.
Napanatili rin ni BBM ang kalamangan sa halos lahat ng rehiyon: National Capital Region (35%), Balance Luzon (66%), Visayas (56%) at Mindanao, 50%.
Sa katulad na survey na nag-leak nitong Marso ng Social Weather Station (SWS), nanatili ring “runaway winner” si Marcos na may 58% nitong Marso 2022, pangalawa si Robredo na mayroong 18%.