Pilipino Star Ngayon : BBM matatag sa 56% sa Pulse Asia survey

By Joy Cantos | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Anim na araw bago ang halalan sa Mayo 9, napanatili ni presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang malaking kalamangan sa kanyang mga kalaban matapos makapagtala ng 56 % sa pinakahuling Pulse Asia survey na isinagawa nitong April 16- 21.

Nakakuha rin si Marcos ng 56% voter preference nitong Marso sa Pulse Asia at nanatiling lider sa karera sa pagka-pangulo na mayroong 33% lamang sa kanyang pinakamalapit na katunggali na si Leni Robredo na umiskor ng 23%, o mas mababa pa ng isang porsyento sa kanyang 24% voter preference noong Marso.

Nasa malayong pa­ngatlo si Manny Pacquiao (7%), Isko Moreno na bumagsak sa pang-apat (4%), at si Ping Lacson, 2%.

Sa vice-presidential race, nanatili rin ang pa­ngunguna ng running mate ni Marcos na si Inday Sara Duterte (55%), Tito Sotto (18%), Kiko Pangilinan (16%), Willie Ong (3%) at Manny Lopez (1%).

Noong March survey, sinabi ni Ana Tabunda, Research Director ng Pulse Asia, na kung iko-convert ang 56% ni Marcos sa boto, aabot Ito sa 36.5 milyon ng kabuuang 65 milyong registered voters sa bansa.

Anya, ang mataas na numero ni Marcos ay maituturing na nakatala sa kasaysayan dahil ngayon lamang sila nakakita ng 50-plus na numero simula nang magsagawa sila ng survey.