Pilipino Star Ngayon : BBM-Duterte, ‘curing administration’ - Cebu City mayor

19 April 2022

By Joy Cantos | Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Positibo si Cebu City Mayor Mike Rama na ang tandem nina UniTeam presidential frontrunner Ferdinand “ Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Duterte ang magsisilbing “curing administration” para makamit ng bansa ang kapayapaan, kasaganaan at kaunlaran sa ilalim ng kanilang pamamahala.

Ito’y sakaling magwagi sa May 9, 2022 national election sina Marcos Jr at Duterte bilang susunod na Pangulo at Bise Presidente ng bansa.

Sinabi ni Rama na tanging kagalingan lamang ang nakikita niya kay Marcos.

“We’ve been with BBM for so long a time. I know him and having so much experience from his father to his senatorship, governorship, put it all together the element of experience is very important,” pahayag ni Rama.

“When you talk about capacity, let’s not talk about yesterday, let’s move forward. I can see Marcos and (Inday Sara) Duterte as- I called them even MD--the curing administration,” dagdag pa nito.

Hinggil naman sa mga tirada ng mga kritiko laban kay BBM, sinabi ni Rama na kumbaga sa isang puno hitik ito sa bunga kaya pinupukol ng bato.

Nangako si Rama, na tumatakbong reelectionist sa Cebu City na magsisikap sila upang papanalunin ang UniTeam.