Join the campaign (Learn More)

Pilipino Mirror : UNITEAM HQ NAKASARA, TULOY ANG BUHAY-BBM

News & Interviews
10 January 2022

By Pilipino Mirror

UPANG matiyak ang kaligtasan at proteksiyon ng lahat, ang BBM-Sara UniTeam headquarters sa Mandaluyong City ay mananatiling sarado sa loob ng isang linggo matapos ang malaking bilang ng mga kawani at boluntaryo nito ay nagpositibo sa coronavirus sa isinagawang facility-wide RT-PCR test na isinagawa noong Biyernes noong nakaraang linggo.

Nauna rito, mahigit 30 staff at volunteers ng HQ ang  nagpositibo  sa virus sa antigen testing noong nakaraang Lunes na nag-udyok kay da­ting Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na iutos ang pagsasara  sa gusali.

Kasunod nito ay nagsagawa ng  RT-PCR test at ang resulta ay  68 staff ang nakumpirmang positibo sa Covid-19.

Agad namang naglabas ng bulletin at pinauwi na ang lahat ng empleyado, maliban sa skeletal force na inatasan sa paghahanda at karagdagang pamama­hagi ng mga relief goods para sa mga biktima ng bagyong ‘Odette’.

“This (distribution of relief goods) cannot stop because the typhoon victims needed it badly and we have to keep our promise to help them get back on their feet,” ayon kay dating Davao congressman and UniTeam’s political officer Anton Lagdameo.

Kasama sa nahawahan ng Covid19 ang chief of staff and spokesman lawyer Vic Rodriguez, kung saan na-expose si Marcos at ilang close-in security personnel.

Sinabi ni Lagdameo na “Nalungkot si Bongbong sa mga hindi kanais-nais na pangyayari, ngunit pinayuhan ang lahat na manati­ling nakatutok at huwag hayaang mapahina ang kanilang espiritu dahil sa ngayon ang pangunahing alalahanin natin ay ang ating mga kababayan na naapektuhan ng bagyong Odette at ng bagong pag-atake ng coronavirus.