Pilipino Mirror : STATE UNIVERSITIES AND COLLEGES APEKTADO (Budget cut sa educ sector hiniling ni Marcos na maibalik)

News & Interviews
4 October 2021

By Pilipino Mirror

MAAAPEKTUHAN ng budget cuts sa sektor ng edukasyon ang state universities and colleges sa buong bansa kaya hiniling ni dating senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na ibalik ang ang ibinawas na budget.

“Paano uunlad ang ating bansa kung hindi maayos ang ating edukasyon dahil ang mga ins­titusyong nangangasiwa nito ay hindi makapag-operate ng maayos dahil sa kakulangan sa budget?” tanong pa nito.

Binigyang diin ni Marcos na mahalaga ang edukasyon sa kaunlaran ng bansa at dapat gamitin ng Kongreso ang kapangyarihan nito upang matiyak na ang mga hadlang sa budget ay hindi maka­gambala sa mga ahensiya sa wastong pagsasagawa ng kanilang mga tungkulin.

“Therefore, budge­tary allocation for public schools and related facilities, and new alternative learning systems and platforms on account of the pandemic, academic and support personnel compensation, scholarship and related academic entitlements and continuing education for teachers should be spared from budgetary cuts,” dagdag ni Marcos.

Ipinaliwanag ni Marcos na ito lamang ang tanging paraan upang ang edukasyon sa Pilipinas ay makasabay sa mga pamantayang pang-internasyonal at gawing mapagkumpitensya sa buong mundo ang mga Pilipinong nagsipagtapos. Nakatakdang talakayin ng Senado sa Huwebes ang budget ng Department of Education at attached agencies, kaya hiniling ni Marcos sa mga senador na ibalik ang ibinawas na budget.

Nag-react si Marcos sa mga ulat na ibinasura ng Department of Budget and Management ang budget ng DepEd at mga kalakip na ahensiya nito sa National Expenditure Program na isinu-mite sa Kongreso.

Ang hinihingi ng Commission on Higher Education ay P62.3 billion para sa 2022, subalit ito ay binabaan sa P52.6 billion sa rekomendasyon ng DBM, o ang pagbawas ng P9.6-billion.

Ibig sabihin ay zero allocation para sa mahahalagang programa tulad ng pagpapatupad ng Doctor Para sa Ba­yan Act, Universal Access to Quali­ty Tertiary Education, RA 11448 or Transnational Higher Education, Medical Scholarship and Return Service, Construction of the Proposed Higher Education Deve­lopment Center, at iba pa.

Apektado rin sa bud­get cuts ang pondo para sa pagsasaayos ng mga tanggapan ng rehiyon ng CHED, ang Transnational Education Program, at Universal Access to Qua­lity Tertiary Education, na nagbibigay ng libreng edukasyon sa tersiyaryo.

Partikular na maaa­pek­tuhan ang mga uni­ bersidad sa Mindanao dahil ang alokasyon sa lahat ng state universities, maliban sa isang campus, ay inalis.

“Education is a very important weapon towards economic recove­ry in the face of the challenges posed by the Covid pandemic. Kaila­ngang siguraduhing may bala ang mga ahensiyang na­ngangasiwa nito para muli tayong makaba­ngon,” pagbibigay diin ni Marcos.