Join the campaign (Learn More)

Pilipino Mirror : SINO ANG WEAK LEADER?

News & Interviews
21 November 2021

By Pilipino Mirror

SINO ang weak leader kina Bong Go at Bongbong Marcos?

Ito agad ang magandang tanong ngayon lalo’t mismong ang Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabing ‘weak leader’ daw si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Ibig sabihin ba nito ay isang ‘strong leader’ ang manok niyang si Senador Bong Go na tumatakbo rin sa pag-kapangulo sa ilalim ng partidong Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS)?

Sino ba ang umiyak nang ma-interpellate ni Senate Minority Leader Franklin Drilon nang nais ipasa ang isang hospital bills sa kasagsagan ng pandemya?

Sino ba ang unang takot tumanggap ng tanong mula sa mga kasamahang senador at tinangka pa nitong hindi kilalanin ang ‘period of interpellation’ na bahagi at tungkulin ng bawat mambabatas sa Mataas at

Mababang Kapulungan ng Kongreso?

Dahil hindi lumusot ang planong pag-iwas sa interpellation, napilitan itong harapin si Drilon.

Ang sumunod na eksena, pinagpawisan ito ng malapot at nagngangawa na binu-bully daw siya.

Halos ganito rin ang eksena nang isponsoran ang budget ng sports commission. Halos nangamote ito sa kakasagot sa tanong. Kitang-kita kung paano turuan ni BCDA chief Vince Dizon si Bong Go na animo’y isang batang nagpapasaklolo sa kanyang kasamahan.

Sino ba ang tumawag kay Blue Ribbon Committee chairman Senador Richard Gordon para ‘wag na siyang masyadong banggitin sa Pharmally scandal kaya nang binigyan ng pagkakataong magsalita sa pagdinig ay wala namang ginawa kundi basahin ang statement na inihanda ng kanyang mga tauhan.

Sino ba ang umiyak nang malamang tuloy sa pagtakbo si Davao City Mayor Sara Duterte sa national elections?

Hindi ba mismong si Pangulong Duterte pa ang nagsabi sa taumbayan na kahit sa harap niya ay parang batang umiyak si Bong Go?

Kaya para mapahinuha ang pag-aalburuto ni Go, sinabihan na siyang huwag nang umiyak at patatakbuhin niya ito bilang presidente ng bansa.

Mukhang nakalimutan ni Presidente Digong na ang ‘weak leader’ ay ang mismong nasa tabi niya at palaging nakabulong sa kanyang tainga na si Bong Go.

Si Bong Go na alam ng lahat na isang pambansang alalay na nakatuntong lang sa Malakanyang, naging senador at ngayo’y gusto pang maging Pangulo ng bansa.

Pansining mabuti, hindi pa ito tumayo sa Senado na nagsalita nang walang binabasa at walang nakaalalay sa kanya para turuan.

Hindi ba senyales iyan ng kahinaan ng isang nilalang?

Isang taong utusan na walang sariling disposisyon at wala namang ginawa sa Senado.

Hindi rin si Bong Go ang ‘brainchild’ ng Malasakit Center kundi si Presidential Adviser on Visayas Affairs Michael ‘Mike’ Dino na pilit nitong inaangkin na kanyang proyekto.

Hindi na natin kailangan pang magsalita na hindi si Bongbong Marcos ang ‘weak leader’ dahil dekada na siyang binabanatan ng dilawan, dekada nang binubugbog ng mga anti-Marcos pero hanggang ngayon ay nakatayo pa rin ito.

At kahit kalian, hindi nagsalita nang masama si Bongbong Marcos sa kanyang mga kalaban at sa halip ay malumanay nitong sinasagot ang isyung may kinalaman sa pagpapaunlad sa bayan.

He remained well mannered, masigla pa rin na nangangampanya, buo ang loob, buo ang isip at hindi mo nakitang nakikipag-away.

Samantalang ang characteristic ni Bong Go ay isang iyaking bata na naglulupasay kapag hindi nakukuha ang gusto — sumbungero pa sa amo!

Naging vice-governor, governor, congressman at senador pero kahit kalian ay marunong itong makiharap sa taumbayan.

Sanay makipagdebate sa mga kapwa mambabatas at hindi kailanman nakita ang kahinaan sa katawan.

Alam ni BBM ang kanyang misyon, bisyon at plataporma de gobyerno. Pero si Bong Go ay nakukuntento na lang tuwing may tagabulong at kodigo!

Kaya muli nating ibabalik ang tanong, sino ngayon ang weak leader?

Si Bongbong Marcos ba o si Bong Go!

Kayo na po ang sumagot, mga kababayan.