Pilipino Mirror : PRRD, BBM NAGPULONG NA

24 March 2022

By Pilipino Mirror

KINUMPIRMA ng Malacanang ang pulong nina Pangulong Rodrigo Duterte at dating senador at ngayon ay presidential aspirant Ferdinand ‘Bong Bong’ Marcos Jr.

Sinabi ni Presidential Communications Secretary at Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar, nagkita ang Pangulo at si Marcos kamakailan.

Ito ayon kay Andanar ay isang
produktibong pulong kung saan ibinahagi ni Pangulong Duterte ang karanasan at kaalaman bilang isang outgoing chief executive sa isang aspirante sa pagkapresidente.

Idinagdag ni Andanar na natalakay din ng Pangulo ang mga nakamit umanong tagumpay ng kasalukuyang admininstrasyon at nagbigay ng mga payo kay Marcos.

Kasabay nito ay nagpahayag ng kumpiyansa ang Punong Ehekutibo na ang mga programa at proyekto ng kanyang administrasyon ay maipagpapatuloy ng susunod na administrasyon.

Gayom pa man, sa ngayon ay wala pang iniendorso ang Pangulo para sa pagkapresidente para sa nalalapit na Mayo 9, 2022 elections. BETH C