TATLONG taon na ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na ang ideolohiya ay nakabatay sa mga kinikilalang Federalists na sina Pardo de Tavera at Trinidad Pardo de Tavera, kung kaya’t muling pinag-ibayo at pinatibay nito ang kahandaan ng partido para sa eleksiyon sa 2022.
Ang PFP ay nabigyan ng akreditasyon ng Commission on Election (Comelec) noong ika-5 ng Oktubre 2018. Noong ika-18 naman ng Setyembre, nakapag-sagawa ng National Convention para makahabol sa deadline ng party assembly.
Nagkaroon ng pagbabago sa pamunuan kaya’t pinagtibay ang partido sa pamamagitan ng hybrid virtual convention at nagkaroon ng mga bagong halal na pamunuan. Ang bagong executive vice president at nakatalaga ring general campaign manager ay si Victor D. Rodriguez, isang abogado.
May mga bagong nahalal at dating opisyal na ng partido: South Cotabato Gov. Reynaldo S. Tamayo, president; retired Gen. Thompson C. Lantion, secretary general; Antonio C. Rodriguez, vice president for Luzon, Carlito E. Ceniza, VP for Visayas; Assam M. Ulangkaya, VP for Mindanao; Manuel D. Andal, VP for political affairs; George S. Briones, general counsel; Lino A. Dumas, national legal officer; Antonio G. Marfori, national treasurer; Edgardo A. Acaba, national auditor; Julius Caesar O. Aguiluz, sergeant at arms; Patricio N. Roman, senior political adviser and Saidah T. Pukunun, chairman of the international affairs.
Ipinagpaliban ang paghalal sa chairman dahil sa resolusyong kanilang binuo na ang chairmanship ay nakareserba sa dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. , na siya ring iniendorso at ibinoto ng partido na kakatawan bilang kandidato para sa pagkapangulo sa eleksiyon sa ika-9 ng Mayo 2022.
Ibinahagi ni general counsel Briones na ang kalakasan ng partido ay ang kabuuang miyembro na 1.5 milyon sa buong bansa. Nanalo ang 350 kandidato noong nakaraang eleksiyon ng 2019 para sa local at congressional nang walang bahid ng anumang tala ng katiwalian at korupsiyon.
“The PFP is proud of its integrity…the PFP has no excess baggage to carry,” diin ni Briones.
Dagdag pa ni Briones, ang PFP ay may malakas na youth organizations sa buong bansa na katulong nila sa partido para maiangat ang mga pangarap, “for a society that is free of illegal drugs, free of corruption, free of crime, free of insurgency and free of poverty.”
Ang tanging payo ni Governor Tamayo sa kanyang talumpati ay ang panatilihin ang prinsipyo ng PFP: humanism, patriotic federalism, enlightened socialism and direct democracy.
Sabi ni Tamayo, “the party values human dignity and will aspire for equality among all Filipinos.”
Ibinahagi rin ni secretary general Lantion ang slogan ng partido ng PFP: A life worthy of human dignity for every Filipino.