Pilipino Mirror : (Pangako ng S. Leyte gov, vice gov, 18 mayors) LANDSLIDE WIN SA BBM-SARA UNITEAM

3 February 2022

By Pilipino Mirror

LILOAN, Southern Leyte – Nangako ang top local executives ng lalawigan ng landslide win para sa Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) vice presidential aspirant at Davao City Mayor Sara Duterte at sa buong UniTeam sa pangunguna ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential hopeful Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Ito ay nang suyurin ng Lakas-CMD chairperson ang Visayas sa ikatlong araw ng kanyang ‘Mahalin Natin ang Pilipinas’ caravan, na bumisita sa probinsiyang ito na itinuturing na “Duterte Country” o bailiwick.

Ipinakita ng mga nangungunang lokal na opisyal ang labis na suporta ng Southern Leyte sa kahanga-hangang BBM-Sara tandem sa unang paghinto ng caravan sa Liloan Baywalk sa Seaside View, Liloan.

Itinuturing ni Southern Leyte Gov. Damian Mercado si Mayor Duterte na kabilang sa kanila.

“Sara is also from Southern Leyte because we know that President Digong was born in [Maasin City] Southern Leyte and stayed in Southern Leyte, that’s why we feel Sara is our kababayan also,” pahayag ni Mercado.

“Of course [we are supporting BBM-Sara], kami dito sa probinsiya we are supporting Sara and the UniTeam, including BBM,” the governor stressed.

Sinabi ni Vice Gov. Christoperson “Coco” Yap na hindi bababa sa 18 alkalde mula sa Southern Leyte ang nagdeklara ng buong suporta kina Mayor Duterte at Marcos para sa halalan sa Mayo 9.

Binanggit pa ni Yap ang pinagmulan ng pamilya Duterte sa lalawigan, na naging prominente sa loob ng mahigit isang siglo.

“Very historical ang pagdating ni Mayor Sara dito sa Liloan. Iyung stop niya dito will bring back memories of her family from the Roa side. Mayor Eleno Roa was the mayor [from] 1911 to 1912 here in Liloan, Southern Leyte,” dagdag nito.

“Local leaders [are here] and the people of Southern Leyte because their (Dutertes) roots are from here, from our place. Yes [this is Duterte country]. Technically from Maasin [City], the Roa side, and here (Liloan) also the Roa side of the family, their roots are from here in Liloan and Panaon Island,” ayon pa rito.

Sina Mercado at Yap ay miyembro ng naghaharing Partido Demokratikong Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban), na pinamumunuan ng ama ng lady mayor na si Pangulong Duterte.

Pinahahalagahan ni Mayor Duterte ang bukas at nagkakaisang suporta ng mga local chief executive para sa BBM-Sara.

Sa isang maikli ngunit makabuluhang talumpati, pinasalamatan ni Duterte ang mga opisyal sa pangunguna nina Gov. Mercado, Yap at Mayor Mercado gayundin ang mga lokal na residente sa kanilang mainit na pagtanggap.

Ipinahayag ni Mayor Duterte ang kahalagahan ng pagiging makabayan at pagmamahal sa bayan sa buong caravan.

Naglagay siya ng watawat ng Pilipinas sa lokasyon bago pumunta sa kanyang pangalawang pangunahing stopover.

Sinabi ng isa sa mga local chief executive na si Maasin City Mayor Nacional “Nikko” Mercado, na maghahatid ng “landslide win” ang Southern Leyte para sa BBM-Sara.

“Southern Leyte province and the city of Maasin fully support the vice presidential bid of Mayor Inday Sara and this (Thursday) morning together with Governor Damian Mercado, Vice Governor Christoperson Yap, 18 mayors from [17] municipalities and one city, we are one and we are here to fully support the UniTeam BBM-Sara,” sinabi ni Mayor Mercado.

“As I stated, we fully support the…bid of presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. and Vice President Inday Sara together with all their senatorial line-up…We are solid and we are behind [them] and we will campaign because we fully understand that they are here to help us, especially that President Duterte was born in Maasin City. We can’t turn our backs on the Dutertes,” dagdag ni Mayor Mercado.

Ang Southern Leyte ay may humigit-kumulang 350,000 hanggang 400,000 rehistradong botante.

Ang Mahalin Natin ang Pilipinas caravan ay may anim na stopovers nitong Huwebes.

Mula Liloan, dumaan si Duterte sa Kap-anan ni Epyang, Sogod, Southern Leyte upang makipagkita sa grupo ni Yap na sumusuporta sa BBM-Sara UniTeam.

Dakong 12:30 ng hapon, ay nakipagkita si Duterte sa mga alkalde ng 5th District sa Mahaplag, Leyte.