Pilipino Mirror : (Pagtaya ng Chinese Enterprise Philippine Association) EKONOMIYA MAS GAGANDA SA ADMINISTRASYON NI BBM

By Pilipino Mirror

NAGPAHAYAG kahapon ng kanilang kumpiyansa ang Chinese Enterprises Phi­lippines Association (CEPA) sa incoming administration ni Presumptive President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

“We believe the favorable policies and development plan for its people will progress through the new government because that is what the Filipino people are expecting and looking forward to,” pahayag ni CEPA President Mr. Deng Jun.

Ayon sa CEPA, tiwala silang mas gaganda pa ang bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at China mula sa nagdaang anim na taon.

Patunay nito ang biglang paglobo ng bilang ng iba’t ibang Chinese enterprises na nakarehistro sa CEPA na nakapagtala ng 70% dagdag .

Pahayag pa ng CEPA ang mga kumpanyang ito ay itinuturing na kabilang sa key economic sectors gaya ng banking, communications, electricity, construction, logistics, manufacturing, medical care, home appliances at trade .

Ang mga nasabing kompanya umano ay lumilikha ng libo libong trabaho at nagpapalakas sa regional economy.

Nagkaisa rin ang CEPA members sa bansa sa pagsuporta sa giyera kontra pandemya, panunumbalik ng trabaho at produksyon habang tumutupad sa kanilang social responsibilities.

“We are fully confident in the future growth of the Philippines. The country has an impressive number of excellent and dynamic workforce, a thriving Business Process Outsourcing (BPO) industry, and ambitious infrastructure construction plans spearheaded by its government,” diin ni Jun.

“CEPA will conti­nue to work hard, focus on development, play a leading and bridging role to make continuous efforts, implement social responsibility initiatives, and produce greater contributions to deepening economic and trade cooperation and promoting the people-to-people connections between the two countries.”ayon pa sa CEPA

Sa kasalukuyan, ang dalawang bansa ay nasa kritikal na yugto ng pag-unlad, na kapwa nahaharap sa napakaraming pagkakataon sa paglago at mga madiskarteng prospect.

Ang rate ng paglago ng ekonomiya sa unang quarter ng 2022 ay tumaas sa 8.3% kumpara noong 2021 kahit sa ilalim ng panahon ng pandemya ay isang testamento sa magandang kinabukasan ng Pilipinas.

Ayon pa sa CEPA, ito ay isang nakapagpapatibay na senyales lalo na para sa mga mamumuhunan at kumpanya na nag-iisip tungkol sa pagpapalawak ng kanilang mga negosyo sa Pilipinas. VERLIN RUIZ