Join the campaign (Learn More)

Pilipino Mirror : BONGBONG DINAYA SA RAPPLER SURVEY? NGITNGIT NG NETIZENS SUMABOG SA SOCIAL MEDIA

News & Interviews
15 October 2021

By Pilipino Mirror

Hinagupit ng galit ng mga netizens at iba’t ibang vloggers ang Rappler dahil sa pandaraya nito kay Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa isinagawa nitong presidential survey sa Facebook kamakailan.

Ayon sa vlogger na si Kasangga Jay, muli na namang nililinlang ng Rappler ang publiko sa pamamagitan ng pagmanipula sa survey para palabasin na maraming sumusuporta kay Leni Robredo.

“Nakakalungkot isipin na niloloko na naman tayo nitong biased press, biased media na ito sapagkat sa kanilang survey ay tila kwestiyonable o tila kataka-taka ang nilalaman nito, mga kasangga….Tila may mali kasi binabalandra na si Leni ang nangunguna, with heart reactions pero nung inusisa nung Tiktok uploader ay ang nangunguna ang mga Wow reactions na para kay Bongbong Marcos. If the truth will prevail, this nation will rise again,” aniya.

Para naman kay vlogger Maui Becker, na kilala bilang si Princess Maui, epic fail ang ginawa ng Rappler at isang pag-aabuso sa awtoridad nito bilang administror at fact-checker ng Facebook Philippines.

“Epic fail ng Rappler, napahiya sila. Purveryor ng fake news or biased magbalita. Lahat na lang ba ng balita nyo fake, Rappler? Hindi kinaya ng inyong technical maneuver, pagmamani-obra ng survey. Hindi nila kinaya ang dami o buhos ng followers ni BBM. Hindi nila kakayanin dahil hindi lang naman ang mga ito ‘yung mga netizens na namumulat na at naa-appreciate nila si BBM,” sinabi ni Princess Maui.

“Hindi kinaya ng sistema Ninyo, hindi kinaya ng program niyo Facebook and Rappler kung tinambakan man nila agad si Leni ng 100k o 150k para mahirapan si BBM…Baka may access sila sa mga FB accounts na dormant na at ginamit sa survey…most of the Leni supporters were accounts of Pakistanis, Arab, poseur, fake accounts,” giit pa niya, sabay kanta ng “Di ko kayang tanggapin na nangunguna ka sa survey sa akin,” sa himig ng isang dating kanta ng April Boys.

Naghihinala pa ang vlogger na ang pandaraya sa survey ay maaaring practice na sa gagawin nilang pandaraya sa darating na presidential elections sa Mayo 2022.

“Pwedeng this is a practice of the balak nilang pandaraya next year sa elections, precursor of some kind, test pilot ng kanilang pandaraya,” aniya.

Ang diumano’y pandaraya ng Rappler sa isinagawa nitong survey sa Facebook ay nadiskubre dahil isang netizen ang nag-upload ng isang video tungkol dito sa Tiktok.

Sa video, natataka ang netizen sa dami ng bilang ng heart na reaksyon, na tanda ng boto kay Robredo, kaya’t tinitingnan niya ang listahan ng mga nag-react.

Napatunayan ang tangkang pagmanipula nang nakita na bagama’t malaki ang bilang ng nag-heart, pag inisa-isa mo itong hanapin, halos hindi sila makita sa dami ng Wow reaksyons na tanda naman ng boto kay Marcos.