Pilipino Mirror : 5 AMBASSADORS PA NAG-COURTESY KAY BBM

10 June 2022

By Pilipino Mirror

LIMANG ambassador mula sa Europe ang nag-courtesy call kay President-elect Ferdinand Marcos, Jr. sa gitna na rin ng paghahanda sa pormal na pagpasok ng bagong administrasyon.

Kabilang sa mga diplomat na nagtungo sa BBM headquarters para makipagkita ng personal sa bagong pangulo ng bansa sina UN Representative Ambassador Gustavo Gonzales, Swedish Ambassador Annika Thunborg, Papal Nuncio Archbishop Charles Brown, Irish Ambassador William Carlos at Swiss Ambassador Alain Gaschen.

Una nang nag-courtesy call kay Marcos ang UN Deputy Secretary of State gayundin ang mga diplomat mula sa Germany, Italy at ASEAN.