Join the campaign (Learn More)

Pilipino Mirror : 49.3% SWAK KAY BONGBONG, 21.3% KAY LENI, 8.8% KAY ISKO; LACSON AT PACQUIAO DIKIT SA 2.9% AT 2.8%

News & Interviews
23 October 2021

By Pilipino Mirror

Nanguna si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa mga tumatakbo sa pagka-Pangulo sa darating na 2022 election ayon sa resulta ng pinakahuling presidential preference survey na inilabas ng PUBLiCUS Asia Inc. nitong Biyernes.

Ayon sa lumabas na resulta, nakuha ni Marcos ang 49.3% ng mga boto ng respondents.  Sumunod sa kanya si Leni Robredo na may 21.3%. Pumangatlo lamang si Manila Mayor Isko Moreno na may 8.8% at sinundan naman nila Ping Lacson na nagtala ng 2.9% at ni Manny Pacquiao na nakakuha lamang ng 2.8%.

Milya-milya ang kalamangan ni Marcos sa iba pang presidential hopefuls at overwhelming ang naging pagkiling ng mga botante sa kanya lalo na sa mga importanteng voting areas.  Sa NCR, nakuha ni Marcos ang 40% na boto.  Samantala, sa North and Central Luzon, nakakagulantang na 55.7%  ng mga boto ang kanyang nakuha.  Sa South Luzon, nagtala siya ng 38.2%. Sa Visayas nakuha niya ang halos kalahati ng mga boto sa 44.7%.  Nakakalulang 62.5% naman ang nakuha ni Marcos na voter preference sa Mindanao.

Ang Pahayag survey ay ang latest presidential preference survey na lumabas matapos magdeklara si Davao City Mayor Sara Duterte na hindi siya interesadong tumakbo bilang Presidente sa darating na halalan sa 2022 sa halip ay muling kumandidato bilang alkalde ng Davao City.

Ang malakas na performance ni Marcos sa Pahayag survey ay kumukumpirma sa lumalaking suporta ng mga tao sa kanyang kandidatura.  Maging ang mga informal surveys gaya ng Kalye Surveys na ginagawa ng YouTube vloggers sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ay nagpapakitang si Marcos ang pangunahing pinipili ng mga tao.